Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 10,643 total views

2nd Sunday of Easter Cycle C
Divine Mercy Sunday

Acts 5:12-16 Rev:9-11.12-13 Jn 20:19-31

Sa Muling Pagkabuhay, nararanasan natin ang kadakilaan ni Jesus. Walang laban sa kanya ang kamatayan at ang kasamaan. Napagtagumpayan niya ang kasamaang ginawa sa kanya. Nalampasan niya ang kamatayan. Hindi na kamatayan ang huling salita. Talagang dakila si Jesus! Purihin natin siya!

Hindi ginamit ni Jesus ang kanyang kadakilaan at kapangyarihan upang hiyain ang kanyang mga kaaway. Hindi siya nagpakita sa kanila at sinabi sa kanila “Beh! Mali kayo!”
Sa halip ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang patatagin ang kanyang mga nanghihina at mahihina na mga alagad. Noong gabi mismo ng araw ng muling pagkabuhay nagpakita siya sa kanyang mga alagad. Pinatunayan niya na siyang namatay ay ngayon buhay na sa harap nila. Pinakita niya ang butas ng pako sa kanyang mga kamay at ang butas ng sibat sa kanyang tagiliran.
Kahit na iniwan siya ng kanyang mga alagad at itinatwa pa nga siya ng leader nila, hindi nawala ang kanyang tiwala sa kanila. Binigyan pa sila ng misyon. Mahina na nga pero may tiwala pa rin siya sa kanila. Tulad ng hiningahan ng Diyos ang unang tao at nagkaroon ito ng buhay noong nilikha siya, ganoon din hiningahan ni Jesus ang mga alagad at ibinigay sa kanila ang Espiritu Santo na magbibigay sa kanila ng kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan. Ibinahagi sa kanila ang kanyang tagumpay sa kasalanan. Ngayon mapapalaya na nila ang mga tao sa kanilang kasalanan kasi napagtagumpayan na ni Jesus ang kasamaan.

Hindi naman perfect ang mga taong pinagkakatiwalaan ni Jesus. Kahit na nandiyan na ang kanyang muling pagkabuhay matigas pa rin ang kanilang puso. Pinakita ito ni Tomas. Hindi siya makapaniwala kahit na nagpatotoo na ang mga kasama niya na nakita siya. Hindi siya makapaniwala kasi absent siya sa grupo noong unang nagpakita si Jesus. Iyan madalas ang nangyayari. Ang mga absent ay sila pa ang nagmamatigas at mahirap mapasunod. Absent sa meeting, absent sa misa.

Pero hindi si Jesus nabubugnot sa kahinaan o katigasan ng kanyang alagad. Nagpakita uli siya sa grupo at nandoon na si Tomas. Alam niya ang hamon ni Tomas kaya sinadya niya si Tomas at sinabi sa kanya na isuot ang daliri niya sa butas ng kanyang kamay at ipasok ang kanyang kamay sa butas ng kanyang tagiliran. Napaluhod na lang si Tomas at sinamba siya: “Panginoon ko at Diyos ko.” Hindi lang si Tomas naniwala na siya ay buhay. Naniwala si Tomas na siya ay tunay na Panginoon at Diyos.

Magpasalamat tayo kay Tomas na dahil sa katigasan ng kanyang ulo nagkaroon tayo ng isa pang prueba na talagang buhay ni Jesus. Mas lalong napatatag ang ating pananalig kay Jesus at na-confirm ang ating pananampalataya kasi kahit hindi natin nakikita si Jesus na muling nabuhay, nananalig tayo. Mas mapalad tayo kaysa kay Tomas. Dahil sa muling pagkabuhay naniniwala tayo ngayon na si Jesus nga ay ang Kristong Panginoon natin.

Ano ang ibig sabihin ng pananalig na ito? Maniwala tayo sa pahayag niya kay Juan, ang manunulat ng huling aklat ng Bibliya, ang Aklat ng Pahayag na binasa sa atin sa ating ikalawang pagbasa: “Ako ang Simula at ang Wakas, at ang Nabubuhay! Namatay ako ngunit masdan mo, ako’y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay.” Huwag na tayong matakot sa kamatayan at sa kasamaan. Mapagtatagumpayan din natin ito.

Kailangan natin ang assurance na ito na ngayon ay ginagapang tayo upang takutin. Malapit na ang eleksyon. Dalawang linggo na lang boboto na tayo. Sana po bomoto tayo. Huwag nating balewalain ang pagboto. Ito ang pagkakataon na maipahayag natin ang ating saloobin tungkol sa ating gobyerno. Anong klaseng gobyerno ba ang gusto natin? Kaya mahalaga na maisulat natin sa ating balota ang ating paniniwala. Huwag natin sayangin ang ating boto. Bumoto tayo. Huwag nating sayangin ang ating boto. Isulat natin ang ating paniniwala sa mga taong magtataguyod ng uri ng pamumuno na gusto natin. Huwag natin isulat ang pangalan ng mga taong ipinipilit sa atin kasi tayo ay nabigyan. Magpasalamat tayo sa mga ibinigay sa atin pero hindi dapat iyon suhol sa atin. Hindi mabibili ang kalayaan natin. Huwag din tayong matakot na malalaman nila kung sino ang binoto natin. Hindi nila ito malalaman kung hindi natin sasabihin at walang tao na makapipilit sa atin na sabihin kung sino ang binoto natin. At kahit man malaman o mahulaan nila ang boto natin, ano ngayon? Iyan ang totoo nating paniniwala. Huwag tayong matakot sa ating paninindigan natin, at manindigan tayo na hindi nabibili ang boto natin. Nandiyan si Jesus na muling nabuhay sa nagsasabi sa atin: Huwag kang matakot!

Ang Linggong ito ay Divine Mercy Sunday. Ito ay Linggo ng Dakilang Habag ng Diyos. Talagang naranasan natin ang dakilang habag ng Diyos. Hindi ginamit ang kapangyarihan ng kanyang Muling Pagkabuhay na ipahiya ang mga kaaway, na sumbatan ang mga mahihina niyang mga apostol. Ginamit niya ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay upang mas lalong ipalaganap ang kanyang kapatawaran. Mahal niya tayo na kanyang bayan. Huwag tayong matakot. Tanggapin natin ang kanyang awa at manindigan tayo para sa katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 4,765 total views

 4,765 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 13,290 total views

 13,290 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 25,738 total views

 25,738 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 60,828 total views

 60,828 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 67,790 total views

 67,790 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 18, 2025

 1,683 total views

 1,683 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 11, 2025

 5,150 total views

 5,150 total views 4th Sunday of Easter Cycle C Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 13:14.43-52 rev 7:9.14-17 Jn 10:27-30 Ang pagpapastol

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 4, 2024

 8,982 total views

 8,982 total views 3rd Sunday of Easter Cycle C Acts 5:27-32.40-41 Rev 5:11-14 Jn 21:1-19 Mula noong si Jesus ay muling nabuhay, mayroon ng pagkakaiba ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 20, 2025

 11,516 total views

 11,516 total views Easter Sunday Cycle C Acts 10:34.37-43 Col 3:1-4 Jn 20: 1-9 Happy Easter! Maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito na po ang matagal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top