Simbahan bukas ang pintuan sa mga nangangailangan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Inihayag ni incoming CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na nakahandang magbigay ng santuaryo ang simbahan sa sinumang mangailangan ng tulong.

Sa isang press conference, nilinaw ng Obispo na humingi ng tulong ang mga testigo ng kaso ni Kian Loyd Delos Santos sa simbahan dahil natapos na ang proteksyong ibinibigay ng senado nang matapos ang senate hearing.

Paglilinaw ni Bishop David, kusang ibinigay sa kanya ng mga magulang at guardian ang mga batang testigo upang mapangalagaan at maprotektahan ng simbahan laban sa anumang banta sa kanilang buhay.

“Naipasa sa akin ang custody pagkatapos ng senate hearing. Nung natapos na yung senate custody, nangailangan ng protective custody ang mga bata, at pinakiusapan ako at sabi ko naman anu mang maitutulong ng simbahan willing kami basta kailangan may pahintulot ng kanilang mga guardians, mga magulang,” bahagi ng pahayag ng Obispo sa pressconference.

Sa kabila ng tangkang pagkuha ng Criminal Investigation and Detection Group, napagpasyahan pa rin ng mga magulang ng mga batang testigo na manatili sa Diocese of Kalookan ang kustodiya ng mga bata.

Samantala, bukod sa santuaryong ibinibigay ng simbahan sa mga testigo, inalok din ni Bishop David si Roy Concepcion, ang ama ng mga bata na sumailalim sa drug rehabilitation program ng San Roque Cathedral dahil napag-alamang may drug related charges din si Concepcion at tinulungan lamang ng Public Attorney’s Office na makapagpiyansa.

“Yung ama may drug case sya and he needs rehabilitation, tapos sinabi ko rin kung kailangan mo ng rehab meron kaming programa dito sa San Roque Cathedral Parish… Kaya niyaya ko si Mang Roy tapos ang sabi nya “Opo” interesado sya, at kami natutuwa parati kapag kusang loob na gustong magbagong buhay nung tao, bigyan natin ng chance,” pahayag ni Bishop David.

Batay sa tala ng mga human rights advocates aabot na sa 13-libo ang drug related killings sa buong bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 52,902 total reads

 52,902 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,457 total reads

 86,457 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,283 total reads

 188,283 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,840 total reads

 228,840 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,223 total reads

 247,223 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 28,633 total reads

 28,633 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 21,564 total reads

 21,564 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top