Simbahan, hinimok na alisin ang pamumuhunan sa mga industriyang nakakasira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 3,385 total views

Hinimok ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mga katiwala ng pananalapi ng Simbahan na muling suriin ang mga pamumuhunan nito upang matiyak na hindi ito nakikinabang mula sa mga industriyang nakapipinsala sa tao at kalikasan.
Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na dapat sumasalamin sa mga turo ni Kristo ang mga pamumuhunan ng Simbahan, sapagkat kung hindi ay nanganganib itong masira ang dangal at tiwala ng mga mananampalataya.

Ginawa ni Bishop Bagaforo ang panawagan sa kanyang pagninilay para sa 24th Archdiocesan Financial Administrators of the Philippines Convention noong June 19, 2025 sa Sto. Niño de Bula Parish sa General Santos City.

“We cannot preach justice on Sunday while profiting from injustice on Monday… Our finances are not just tools — they are moral acts. They either support human dignity and the common good, or they fuel destruction and inequality,”
pahayag ni Bishop Bagaforo.

Matatandaan sa mga pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong 2019 at 2022, nanawagan ang mga obispo sa lahat ng institusyong Katoliko — kabilang ang mga diyosesis, paaralan, at kongregasyon — na umiwas sa pamumuhunan sa mga mapaminsalang industriya tulad ng coal at fossil fuels, pagmimina, at ilegal na pagtotroso.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang divestment ay hindi isang padalus-dalos na pagbawi ng pondo, kundi isang moral na paninindigan.

“The true wealth of the Church lies not in its assets, but in its witness to the Gospel — especially in the face of suffering, injustice, and ecological collapse,” giit ni Bishop Bagaforo.

Bilang halimbawa ng negatibong epekto ng mapaminsalang pamumuhunan, binanggit ni Bishop Bagaforo ang mga kaso ng sapilitang pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno sa Sierra Madre, pagkalason ng baybayin sa Maynila na apektado ang mga mangingisda, at mga pamayanang sinira ng pagmimina sa Mindanao.

Sa kabila nito, kinilala ng obispo ang mahalagang gampanin ng mga katiwala ng pananalapi bilang mga tagapangalaga ng pag-asa at tagapagtaguyod ng katarungan.

Hamon ni Bishop Bagaforo sa mga tagapangasiwa na maging tapat sa tungkuling ipinagkatiwala ng Simbahan at isabuhay ang pananampalataya sa bawat hakbang — lalo na sa paggamit ng pondo para sa kapakanan ng mga higit na nangangailangan.

“Let us ensure that every peso invested by the Church becomes a seed for the Kingdom of God — a seed that brings life, dignity and healing to those who need it most,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 47,269 total views

 47,269 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 64,670 total views

 64,670 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 79,315 total views

 79,315 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 92,249 total views

 92,249 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 104,153 total views

 104,153 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Disaster News
Norman Dequia

Sa digmaan, lahat ay talunan

 13,678 total views

 13,678 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top