Simbahan, hinimok na maghain ng “Writ of Amparo” laban sa war on drugs.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total reads

Nagsampa ng Writ of Amparo si Sister Maria Juanita Daño, Religious of the Good Shepherd(RGS) upang proteksyunan ang maraming buhay sa San Andres Bukid, Manila.

Ayon kay Sr. Daño, bilang madre ay bahagi ng tungkulin nito sa Diyos na protektahan ang buhay ng bawat tao na kaloob ng Panginoon.

Dahil dito, iginiit ng Madre ang paniniwala ng simbahan na hindi dapat basta na lamang patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Bilang madre ang mga madre ng mabuting pastol, isa naming thrust yung reconciliation at restorative justice, based sa aking experience na walong taon sa Africa, I worked with the prisoners, nakita ko na kapag buhay yung tao na nagkaksala mayroon pa siyang pagkakataon na magbagong buhay. So yun yung inilalaban ng Writ of Amparo.” Pahayag ng Madre sa Radyo Veritas.

Aminado si Sr. Daño na may kaunti itong takot kaugnay sa hakbang na kanyang ginawa napagsasampa ng Writ of Amparo subalit mas nananaig ang takot niyang hindi niya magampanan ang tungkuling iniatas sa kanya ng Panginoon.

“Mas takot ako kapag namatay ako na sasabihan ako [ng Diyos] na anong ginagawa mo during nung may mga namamatay, yung takot sa pulis, natabunan siya dahil sa takot sa Diyos na baka wala kong maisagot kapag ako’y namatay na anong ginawa mo nung buhay ka pa, yun ang pinaghuhugutan ng strength ko.” Dagdag pa ni Sr. Daño

Dahil dito, hinimok ng Madre ang iba pang mga relihiyoso at ang mga Diyosesis na gamitin ang legal na pamamaraan tulad ng pagsasampa ng Writ of Amparo upang maprotektahan ang kanilang lugar laban sa marahas na pagsasagawa ng mga operasyon kontra sa iligal na droga.

“Sana mag-gather together sila tapos tingnan nila, I encourage them to do the same kasi ang writ of Amparo is to protect at saka mamulat din ang kapulisan na gumagawa ng mali, baka hindi nila alam yung batas kaya ganun nalang ang ginagawa nila,” pahayag ni Sr. Daño.

Ang Writ of Amparo ay may pangunahing layunin na protektahan ang sinumang maghahain nito sa Korte Suprema laban sa banta sa kanyang buhay, kalayaan at seguridad ng mga opisyal o kawani ng pamahalaan.

Ang Writ of Amparo na idinulog ni Sr. Daño sa Supreme Court kasama ang iba pang 39 na petitioners ay humihingi ng proteksyon para sa 26 na kapitan ng mga barangay sa San Andres Bukid at sa mga residenteng nasasakupan ng mga naturang Barangay.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 16,312 total reads

 16,312 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 75,740 total reads

 75,740 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 161,107 total reads

 161,107 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,843 total reads

 207,843 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 255,714 total reads

 255,714 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 355,970 total reads

 355,970 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 3,035 total reads

 3,035 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 44,046 total reads

 44,046 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,920 total reads

 36,920 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top