156 total views
Magkakaloob ng tulong ang Diocese of Sorsogon sa mga apektadong residente ng Diocese of Surigao matapos ang naganap na 6.7-magnitude na lindol.
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission, sa panahon ng kalamidad at sakuna ay mas kinakailangan ng sambayanang Filipino ang pagkakaisa at pagtutulungan upang suportahan ang mga naapektuhang mamamayan partikular na ang mga mahihirap na pamilyang nawalan ng sariling tahanan.
Dahil dito, nanawagan rin ang Obispo sa iba pang mga diyosesis sa bansa na magkaloob ng tulong sa lalawigan ng Surigao.
“It’s true that he needs help especially for the poor people for the beginnings of the houses and like that so we are all happy to help him and I pledge to give them something and I hope many other dioceses will think of that,”pahayag ni Bishop Bastes sa panayam ng Radyo Veritas.
Bukod sa Diocese of Sorsogon ay nakatakda ring magpaabot ng tulong ang Archdiocese of Cebu at Caritas Manila Damayan Program ng Archdiocese of Manila para sa mga apektadong residente sa Surigao del Norte.
Read: http://www.veritas846.ph/pagmamahal-dapat-umabot-sa-pangangailangan-ng-kapwa/
Batay sa pinakahuling tala ng NDRRMC, umabot 3,331-pamilya ang apektado ng naganap na 6.7-magnitude na lindol o katumbas ng higit 16,600-indibidwal mula sa 60-barangay sa lalawigan ng Surigao Del Norte kung saan una ng nagpalabas ng 2-bilyong piso ang pamahalaan para sa relief operation sa lalawigan.