Simbahan ng Balanga, tiniyak ang pakikipagtulungan sa COMELEC sa araw ng halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Tiniyak ng Diocese of Balanga ang pakikiisa ng Simbahan sa mga ahensya ng pamahalaan na mangangasiwa sa maayos, malinis at matapat na 2022 national and local elections.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito ay sa pamamagitan ng Diocesan Parish Pastoral Council for Responsible Voting upang maging katuwang ng Commission on Elections, Philippine National Police at ang Department of Education.

“We assured them of our cooperation and collaboration for a safe and peaceful, clean and honest, fair and free election. We offer our prayers, our participation for COMELEC re-orientation for electoral boards and assure them of our services,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Noong Abril 13 nagpulong ang kinatawan ng mga ahensya kasama ang mga taga-diyosesis sa pangunguna ni Bishop Santos sa Casa del Obispo.

Tinalakay sa pulong ang mga hakbang na mapanatili ang maayos na halalan sa Mayo 9 gayundin ang mga paghahandang isinasagawa.

Kabilang sa mga dumalo sina Atty. Christine Garcia ng COMELEC; Col. Rommel Velasco ng PNP; Ramon Perez ng DepEd; Fr. Noel Nuguid, Fr. Anthony Sibug at Bro. Joel Danque (PPCRV priests and Lay directors).

Dalangin din ni Bishop Santos ang kaligtasan at katatagan ng mga mamamahala sa halalan at pinasalamatan ang kanilang pakikiisa sa mahalagang gawain sa buong bansa na magtatakda sa kinabukasan ng bayan.

“We appreciate their dedication and devotion to their calling; we commend their commitment and efficiency. We assured them of Holy Masses for their safety, strength and sound health,” dagdag ng Obispo.

Magsasagawa naman ng Novena Masses ang Diyosesis mula April 30 hanggang May 8 para ipanalangin ang mapayapang halalan sa May 9.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top