VeritasPH

The Word, The Truth

Sino ang makikinabang sa bagong Public Service Act?

SHARE THE TRUTH

 394 total views

Mga Kapanalig, nilagdaan noong isang linggo ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11659 na nag-aamyenda sa Commonwealth Act No. 146 o ang Public Service Act. Ngayon lang ito naamyendahan matapos ang 85 taon.

Pinahihintulutan ng bagong batas na magkaroon ng isandaang porsyentong pagmamay-ari ang mga dayuhan sa mga negosyo sa sektor ng telecommunications, airlines, expressways at tollways, railways, at shipping. Mananatili namang hanggang 40% ang maaaring pagmamay-ari ng mga dayuhan sa ibang negosyong naghahating ng pampublikong serbisyo katulad ng kuryente, tubig, at petrolyo.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Kongreso sa pagpapasá ng panukalang ito dahil makatutulong daw ito sa panunumbalik ng ating ekonomiyang pinilay ng pandemya. Malugod ding tinanggap ng mga grupo ng negosyante ang anila’y “game-changing” na batas. Ang pagluluwag sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa ilang pampublikong serbisyo ay makakaakit daw ng kapital o pamumuhunan, lilikha ng mga trabaho, at magpapausbong ng mga innovations o pagbabagong magpapabuti sa kalidad at magpapababa sa presyo ng mga pampublikong serbisyo, lalo na sa transportasyon at komunikasyon.

Subalit may ibang pananaw si Bayan Muna Representantive Carlos Zarate. Nangangamba siyang magreresulta ang bagong batas ng patuloy pang pagtataas ng mga bilihin at serbisyo. Ito ay kung matutulad ang bagong Public Service Act sa Oil Deregulation Law na naisabatas noong 1998 at Electric Power Industry Reform Act (o EPIRA) na naisabatas noong 2001. Hindi naman daw tunay na nagbunga ang mga ito ng mababang singil sa kuryente, at ramdam na ramdam pa rin ng mga Pilipino ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at ang epekto nito sa mga bilihin magpasahanggang ngayon.

Sino nga ba ang higit na makikinabang sa pagsasabatas ng bagong Public Service Act? Makikinabang kaya ang mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya nitong nakaraang dalawang taon at ng pagtaas ng mga bilihin dulot ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo? Makikinabang kaya ang ating mga magsasaka, mangingisda, katutubo, at kabataang itinuturing na pinakamahirap na sektor sa ating lipunan? Makikinabang kaya ang ating mga kababayan sa kanayunan, kung saan nakatira ang 70% ng mahihirap sa ating bayan? Kung makalilikha nga ng trabaho ang pagpapatupad ng bagong batas na ito, makatitiyak ba tayong ang mga negosyante, dayuhan man o Pilipino, ay magbibigay ng sapat at makatarungang sahod at benepisyo sa kanilang mga manggagawa? Higit sa pagpapasigla sa ating ekonomiya, mahalaga na ang batas na ito ay tunay na makatulong na makaahon tayo sa krisis na kinakaharap natin, lalo na ang mga kapos at hirap sa buhay.

Minsan nang pinuna ni Pope Francis ang pagkiling ng umiiral na sistema ng ekonomiya sa mga malalaking korporasyon at mga negosyo, samantalang may mga patakarang inilalagay ang mahihirap sa kalagayang sila pa ang kailangang maghigpit ng sinturon. Bahagi ito ng tinawag niyang “ideological colonialism” kung saan ang mahihirap ay itinuturing lamang na bahagi ng isang malaking makinang lumilikha ng yamang iilan lamang ang nakikinabang. Huwag sanang maging instrumento ang Public Service Act ng ganitong pagsasamantala sa mahihirap at ng paglawak pa ng puwang sa pagitan ng mga mayaman at dukha sa ating bayan.

Mga Kapanalig, upang tunay na maging “game-changing” ang pag-amyenda sa Public Service Act, dapat itong magbunga ng tinatawag na healthy competition sa mga namumuhunan upang ang pinakamahusay ngunit abot-kayang serbisyo ang matanggap ng publiko. Dapat din itong makalikha ng mga trabahong magbigay ng disenteng kita at sapat na benepisyo sa mga manggagawa. Bantayan nating mabuti ang pagpapatupad ng batas na ito upang maipakita ng pamahalaan ang tunay na malasakit nito sa mahihirap at maigawad ang katarungan sa kanila, gaya ng ipinapaalala sa atin sa Mga Kawikaan 29:7.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,980 total views

 9,980 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,965 total views

 17,965 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,501 total views

 25,501 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,486 total views

 41,486 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,530 total views

 49,530 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,981 total views

 9,981 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,966 total views

 17,966 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,502 total views

 25,502 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,487 total views

 41,487 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,531 total views

 49,531 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,858 total views

 45,858 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,283 total views

 44,283 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,069 total views

 46,069 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,994 total views

 42,994 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,308 total views

 57,308 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,998 total views

 60,998 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,601 total views

 59,601 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,588 total views

 69,588 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,556 total views

 73,556 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,443 total views

 84,443 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top