Sino Ang Nagsi-Sinungaling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 87,621 total views

Sa ating bansa, usong-uso ang price hike… lahat na lamang ng pangunahing bilihin at serbisyo publiko., tumataas ang halaga o presyo. Ang sagot nating mga Pilipino, maghigpit ng sinturon. Paano naman Kapanalig kung wala kang pambili?

Nagdeklara na ang Department of Agriculture ng national food security emergency. Katwiran ng DA, upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas..Wala namang epekto? Mataas pa rin ang presyo ng bigas. Hindi lang maamin ng DA na ang tunay na dahilan ng emergency ay upang makapag-import ng bigas. Nakapagtataka di ba Kapanalig? Magkano kaya ang kita dito?

Umabot na sa 250-pesos kada kilo ang presyo ng red onion(pulang sibuyas) sa merkado habang ang puting sibuyas ay 140-pesos kada kilo.. Ora mismo, ang sagot ng DA… mag-import agad, upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng halaga ng sibuyas sa merkado.. Sa darating na February 20, 2025 darating sa bansa ang 3,000 metriko-toneladang imported na pulang sibuyas habang 1,000 metriko-tonelada naman sa putting sibuyas… Kapanalig, noong taong 2022, umabot sa 720-pesos kada kilo ang presyo ng sibuyas dahil sa kakulangan ng suplay at hoarding mga ganid na negosyante.

Agad na umalma ang mga farmer groups, bakit mag-iimport ng sibuyas ang Department of Agriculture? Sa kasalukuyan, patuloy at sagana ang ani ng mga magsaaska. Inaasahang bubuhos ang ani ng sibuyas mula sa Pangasinan, Occidental Mindoro at Nueva Ecija sa darating na buwan ng Marso at Abril. Tila hindi napapanahon ang importasyon?

Ang importasyon ng DA sa sibuyas ay “Double whammy” sa mga lokal na magsasaka ng sibuyas na apektado ng magkakasunod na bagyo noong taong 2024 at pag-atake ng armyworms at sa kasagsagan ng anihan.. mag-iimport ang DA?

Kaninong interes ba ang pino-protektahan ng Department of Agriculture? Ang mga magsasaka o mga negosyante?

Kapanalig, ang pag-iimport ay pinayagan kung ang produktong agrikultura ay kailangang-kailangan. Bakit ka mag-iimport kung ang agricultural products ay nasa harvest season?

Kuwestiyunable din ang deklarasyon ng DA sa “shortage” o kakulangan sa suplay ng sibuyas. Hindi pa natatapos ang anihan sa peak season, paano nalaman ng DA na may shortage?Sa pagpasok ng imported na sibuyas sa merkado, tiyak Kapanalig, bababa ang farmgate price ng lokal na sibuyas, talo na naman ang mga magsasakang Pilipino. Di ba Pilipino muna bago dayuhan?

Sinasabi sa James5:7 “Be patient, therefore, brothers, until the coming of the Lord. See how the farmer waits for the precious fruit of the earth, being patient about it, until it receives the early and late rains.”

Sana matutuhan natin Kapanalig ang sinasabi sa Ecclesiastes 3:1 “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 10,558 total views

 10,558 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 184,492 total views

 184,492 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 162,125 total views

 162,125 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 225,912 total views

 225,912 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 244,954 total views

 244,954 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 10,560 total views

 10,560 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 184,494 total views

 184,494 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 162,127 total views

 162,127 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 225,914 total views

 225,914 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top