Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 233 total views

Homiliya para sa Miyerkoles ng Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-7 ng Setyembre 2022, Luk 6:20-26

May napanood akong video ng isang binata. Niregaluhan siya ng parents niya ng bagong pares ng salamin para sa mata niya. Sa totoo lang akala niya malinaw ang paningin niya, pero meron pala siyang diperensya na natuklasan lang niya nang pumasok na siya sa school. “Color blind” pala siya. Kaya nang mag-celebrate siya ng 18th birthday niya niregaluhan siya ng ispesyal na salamin para sa mga “color blind.”

Ang ganda ng eksena sa video nang isuot niya ang salamin at tumingin siya sa paligid niya. Natulala siya, namangha, at maya-maya ay naluha. Noon lang kasi niya nakita ng tunay na kulay ng langit, ng mga ulap, mga dahon at mga bulaklak. Noon lang niya nakita ang kulay ng mga mata, pisngi at labi ng nanay niya. Akala niya noon dalawang kulay lang ang meron sa mundo: black and white at shades of gray. Nagulat siya sa bagong daigdig na napagmasdan niya nang suotan siya ng bagong salamin.

Ang pananampalataya ay parang salamin din; salamin ng kaluluwa. Pinalilinaw ang ating paningin tungkol sa buhay. Minsan kasi ang inaakala nating mapalad dito sa mundo ay sawimpalad pala. At ang inaakala naman nila na sawimpalad ay mapalad pala. Ganito ang sinasabi ni Hesus sa ating ebanghelyo. Para niyang nireregaluhan ang mga alagad niya ng bagong salamin.

Isang magandang paalala ito sa mga taong hindi man malabo ang paningin sa buhay ay parang panay “black and white” lang ang nakikita. Palagay ko parang ganito rin ang ibig sabihin ni San Pablo sa ating unang pagbasa, at kung bakit niya sinasabing dapat matutong dumistansya ang tao sa anumang nararanasan niya. Dapat daw iwasan ng tao na siya’y mawili sa anumang meron siya, “dahil lahat ng bagay sa mundong ito ay lilipas.” Tinuturuan niya tayong tumingin sa mga hangganan ng buhay dito sa mundo mula sa abot-tanaw ng walang hanggan.

May kasabihan tayong mga Pilipino, “Huwag mong tanggihan ang grasya at baka lumabo ang iyong mga mata.” Higit na mas delikado kaysa pagtanggi sa grasya ay ang pagkalimot o hindi pagkilala sa mga tunay na pagpapala dito sa mundo.

May isang magandang tradisyon ang mga Amerikano na tinatawag nilang “Thanksgiving Day.” Sine-celebrate ito taon-taon ng mga Canadians tuwing 2nd Monday ng October at ng mga taga Estados Unidos kapag 4th Thursday of November. Araw daw ito ng pagkilala sa mga dapat ipagpasalamat sa buhay bago nila kainin ang Thanksgiving Dinner.

Di ba napakagandang ritwal ng pagtanaw ng tao ng tinatanggap niyang mga pagpapala. Sa totoo lang, hindi sapat ang minsan isang taon para sa ritwal na ito. Kung ang buong buhay ng tao ay biyaya, dapat siguro araw-araw Thanksgiving Day. Ang original meaning ng inimbento nating salitang “Eukaristiya” na hiniram mula sa Griyego ay PASASALAMAT, at isa ito sa pinakamahalagang sangkap ng buhay Kristiyano.

Kapag bata pa kasi tayo, kapag nasa kasibulan pa ng kalusugan, malakas, productive, at kumikita, madali tayong makalimot na wala naman tayong bitbit nang isilang tayo at wala rin tayong bibitbitin pagkamatay natin.

Sabi nila kapag nagiging maunlad ang isang bansa, mas lalong nagiging materyoso at bumababa naman ang kalidad ng buhay espiritwal. Ang nagiging pangunahing pagtingin ng tao sa lahat ng meron siya ay karapatan. Kaya may tendency na kung kailan umuunlad, mas lalong nagiging maramot. Akala lahat ng meron siya ay gantimpala sa kanyang pagsusumikap o bunga ng kanyang pinagpaguran. Nakakalimutan ang lahat ng naging bahagi ng kanyang tinatamasang mga pagpapala. Unti-unti, sa hindi niya namamalayan, nawawalan ng kulay ang buhay. Nagiging black and white na lang ang lahat. Ang nagiging pagtingin sa mga mahihirap ay ganito: kaya sila dukha ay dahil sila’y tamad o umaasa lang sa tulong ng iba.

Sa Book of Revelations, may isang sulat para sa pamayanan ng Laodicea. Isang sumbat. Ganito raw ang sabi ng anghel sa kanila, “Sinasabi mo, ‘Mayaman ako at sagana sa lahat.’ Hindi mo alam na ikaw ay dukha ng tanang dukha, kalunos-lunos ang kalagayan, aba, hubad, at bulag. Sa akin ka bumili ng dinalisay na ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman…”

May sumikat na kanta si Dulce noong kabataan ko pa. Kung di ako nagkakamali ipinanalo niya iyon sa Metro Manila Pop Music Festival. Sabi ng kanta,

“Sino’ng dakila?

Sino ang tunay na baliw?

Sino’ng mapalad? Sino’ng tumatawag ng habag?

Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay ‘di lubos

Oh, husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos”

Magandang paalala ito, katulad din ng ating mga pagbasa ngayon, para sa mga nahuhumaling o nakalilimot o lumalabo ang mga mata sa grasya at wala nang nakikita kundi puti at itim.

Katulad ni Mama Mary na napaawit ng kanyang Magnificat tungkol sa kadakilaan at kagandahang loob ng Diyos, sana’y panatilihing ding malinaw ng Espiritu Santo ang ating paningin upang lagi nating makita at mapagmasdan ang makukulay na biyayang hatid niya sa ating buhay at daigdig sa bawat sandali.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,636 total views

 5,636 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,391 total views

 11,391 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,654 total views

 18,654 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,639 total views

 26,639 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 34,174 total views

 34,174 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 502 total views

 502 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 505 total views

 505 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,259 total views

 3,259 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,674 total views

 7,674 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,000 total views

 3,000 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,523 total views

 3,523 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,022 total views

 5,022 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,866 total views

 5,866 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,121 total views

 4,121 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,334 total views

 8,334 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,567 total views

 7,567 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,777 total views

 11,777 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,225 total views

 5,225 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,229 total views

 5,229 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,229 total views

 5,229 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top