SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,722 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Francisco Xavier Padilla, kaisa ng buong Simbahang Katolika ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagluluksa sa pagpanaw ng Santo Papa.

Pagbabahagi ni Padilla, sadyang kahanga-hanga at hindi matatawaran ang paglilingkod ni Pope Francis bilang punong pastol ng Simbahang Katolika sa loob ng nakalipas ng 12-taon.
Tiniyak naman ni Padilla ang pag-aalay ng panalangin ng mga Pilipinong layko hindi lamang para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Pope Francis kundi maging para sa buong Simbahang Katolika gayundin ang lahat ng mga napukaw ng presensya at paraan ng pamumuno ni Pope Francis sa Simbahang Katolika.

“We are one with the world in mourning the death of Pope Francis. He has moved the world through his life. We pray for dear Pope Francis, the Church and the world who have been affected by him.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Pumanaw na sa edad na 88-taong gulang ang Kanyang Kabanalan Francisco.

Ibinahagi ni Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo of the Apostolic Chamber ang balita ng pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika ganap na alas-nuebe kwarentay-singko ng umaga ngayong araw oras sa Roma.

Ayon sa Cardinal, pumanaw si Pope Francis sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

Matatandaang 38-araw na nanatili si Pope Francis sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma matapos na maospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025 dahil sa bronchitis na kalaunan ay natukoy bilang bilateral pneumonia.

Sa pagamutan na rin ginunita ni Pope Francis ang kanyang ika-12 taong anibersaryo ng pagiging Santo Papa.

Kabilang sa mariing isinusulong ni Pope Francis ang pagiging ganap ng Simbahang Sinodal ng buong Simbahang Katolika.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,130 total reads

 18,130 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 48,284 total reads

 48,284 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 108,782 total reads

 108,782 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 128,456 total reads

 128,456 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 209,110 total reads

 209,110 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 308,665 total reads

 308,665 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top