Pangulong Marcos, ipinahayag ang pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkamatay ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,759 total reads

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang taos-pusong pakikiramay at pagdalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis, na minahal ng mga Pilipino at kinilala bilang si “Lolo Kiko.”

“The Philippines joins the Catholic community worldwide in grieving the loss of His Holiness Pope Francis. A man of profound faith and humility, Pope Francis led not only with wisdom but with a heart open to all, especially the poor and the forgotten. By example, Pope Francis taught us that to be a good Christian is to extend kindness and care to one another. His humility brought many back to the fold of the Church,” ayon pa sa mensahe ni Pangulong Marcos.

“As we mourn his passing, we honor a life that brought hope and compassion to so many, and inspired us to love one another as Christ loved us. It is a profoundly sad day.”

Sinabi ng Pangulo na si Pope Francis ay isang natatanging Santo Papa na nagpakita ng tunay na malasakit, kababaang-loob, at pagpapahalaga sa kapwa.

“That’s really sad. I love this Pope. The best Pope in my lifetime as far as I’m concerned,” ayon kay Pangulong Marcos.

Bago ang kanyang pagpanaw, muling humarap si Pope Francis sa publiko sa St. Peter’s Square at naghatid ng mensaheng “Happy Easter.”

Ayon sa Vatican News, pumanaw ang Santo Papa sa edad na 88 noong Lunes ng umaga, ganap na 7:35 AM (oras sa Roma).

Si Pope Francis, na ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio, ay nahalal bilang Kataas-taasang Pinuno ng Simbahang Katolika noong Marso 13, 2013. Siya ang unang Santo Papa mula sa Latin Amerika at unang Jesuit na nahirang sa pinakamataas na posisyon ng simbahan.

Noong 2015, bumisita siya sa Pilipinas kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013. Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng kanyang pagbisita ay ang pagdaraos niya ng misa sa Tacloban City sa gitna ng masungit na panahon, bilang pakikiisa at pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyo.

Nagsagawa rin siya ng misa sa Manila Cathedral at sa Pontifical and Royal University of Santo Tomas, kung saan nakipagtagpo siya sa mga kabataan, pari, seminarista, at relihiyoso. Sa bawat pagkakataon, binigyang-diin ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagtutok sa mga nasa laylayan ng lipunan, at ang panawagan para sa pagkakaisa, malasakit sa kapwa, at pangangalaga sa kalikasan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,097 total reads

 18,097 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 48,238 total reads

 48,238 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 108,736 total reads

 108,736 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 128,413 total reads

 128,413 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 209,067 total reads

 209,067 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 308,623 total reads

 308,623 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top