Edukasyon at kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,149 total reads

Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa resulta ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (o FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority (o PSA). Sa mga edad 10 hanggang 64, nasa 93% ang tinatawag na basic literacy rate. Siyam sa sampung Pilipino ang nakapagbabasa, nakapagsusulat, at nakapagbibilang.

Pero naiintidihan ba nila ang binabasa nila? Malinaw ba ang diwa ng mga sinusulat nila? Alam ba nila kung bakit sila nakarating sa sagot ng anumang kinukwenta nila?

Ito ang kaibahan ng tinatawag naman na functional literacy. Sa FLEMMS, lumabas na halos 71% lamang ang may high-level comprehension skills o mga kakayahang lampas sa simpleng pagbabasa, pagsusulat, at pagbibilang. Ibig sabihin, nagagamit nila ang impormasyong alam nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Tatlo sa sampung Pilipino ang walang ganitong kakayahan. Mataas pa rin ang ating functional literacy rate kung tutuusin, pero dapat itong tutukan ng mga nasa sektor ng edukasyon.

Sa pagsasaliksik na ginawa ng pahayagang The Philippine Star, natuklasang mababa ang functional literacy rates sa mga rehiyong mataas ang tinatawag na poverty incidence. Tumutukoy ang poverty incidence sa bahagdan ng mga nakatira sa isang lugar na kumikita ng mas mababa sa itinakdang halaga para matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Kung pasok o lampas ang kanilang kinikita sa halagang ito, hindi sila maituturing na mahirap. Sa 18 na rehiyon sa Pilipinas, 11 ang may poverty incidence na mas mataas sa average para sa buong bansa at may functional literacy rate na mas mababa sa average. Sa madaling salita, matatagpuan ang mga hindi nauunawaan ang kanilang binabasa, sinusulat, at kinukwenta sa mga rehiyong mataas ang antas ng kahirapan.
Pinakakapansin-pansin ito ang mga probinsyang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (o BARMM). Ang poverty incidence doon noong 2023 ay nasa 24%, o halos dalawa sa sampung taga-BARMM ay mahirap. Mas mataas ito sa average na 15%. Ang functional literacy naman doon noong 2024 ay nasa halos 65%, mas mababa sa average na halos 71% na binanggit natin kanina. Kabaligtaran ito sa Metro Manila. Mababa ang antas ng kahirapan dito kumpara sa ibang lugar habang mataas naman ang functional literacy rate ng mga taga-rito.

Sinasalamin ng mga datos na ito ang ugnayan ng edukasyon at kahirapan. Ganito lang naman ‘yan, mga Kapanalig: kung mahirap ang isang lugar, malamang sa malamang ay marami ang hindi nakatutungtong sa paaralan. Kung marami ang walang kakayahang intindihin ang kanilang binabasa, sinusulat, o kinukuwenta, malamang sa malamang ay mabagal ang pag-usad ng lugar na kinalalagyan nila. Sanga-sanga at paikut-ikot ang mga problemang ito. Kung hindi maaampat, lalawak ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, ng mga nakapag-aral at hindi nakapag-aral. Walang katarungan sa ganitong uri ng lipunan.

Naniniwala ang ating Simbahan na susi sa pag-ahon sa kahirapan ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon. Sa ganitong paraan, napahahalagahan din ang dignidad ng tao, isa sa mahahalagang saligan ng mga panlipunang turo ng ating Santa Iglesia. Ang mga mamamayang nauunawaan ang kanilang binabasa, sinusulat, at binibilang ay pangunahing pundasyon ng kaunlaran ng ating bayan. Kung sapat ang kanilang edukasyon, hindi sila maloloko, hindi sila sasamantalahin, hindi sila magiging sunud-sunuran lamang sa mga makapangyarihan at maimpluwensya.

Mga Kapanalig, kasama ang Simbahan sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon sa ating bansa; marami itong pinatatakbong mga paaralan. Pero mahalagang pagtuunan din ng pansin ang mga pampublikong eskuwelahan kung saan libre (dapat) ang pag-aaral. Nangangako ang DepEd na tutukan ang sektor ng edukasyon nang mabigyan ng katarungan ang mahina at hindi maapi ang mahirap, ‘ika nga sa Mga Awit 82:3.

Sumainyo ang katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 18,965 total reads

 18,965 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 19,235 total reads

 19,235 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 41,177 total reads

 41,177 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,633 total reads

 162,633 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 212,996 total reads

 212,995 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,052 total reads

 340,052 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 423,418 total reads

 423,418 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 41,179 total reads

 41,179 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,635 total reads

 162,635 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 212,997 total reads

 212,997 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,054 total reads

 340,054 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top