Cardinal Advincula, nagpapasalamat sa natatanging pagmamahal ni Pope Francis sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,561 total reads

Inaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang natatanging pagmamahal ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga Pilipino.

Sa mensahe ng arsobispo kasunod ng pagpanaw ng santo papa nitong April 21, pinuri at pinasalamatan nito ang namayapang punong pastol na maituturing na biyayang kaloob ng Diyos sa simbahang katolika lalo na sa mga Pilipino.

Tinuran ni Cardinal Advincula ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 upang makiisa sa mga mamamayan lubhang naapektuhan ng Supertyphoon Yolanda kung saan hindi alintana ng santo papa ang masamang panahon at ipinagpatuloy ang pagdiriwang ng banal na misa sa Tacloban kasama ang Yolanda survivors.

“Under the rain in Tacloban, standing with the survivors of Typhoon Yolanda, Pope Francis showed us what it means to suffer with others and find hope in the midst of pain,” ayon kay Cardinal Advincula.

Gayundin ipinamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal sa punong pastol kung saan sa misang isinagawa ni Pope Francis sa Luneta noong January 18, 2015, nagtipon ang humigit kumulang pitong milyong mananampalataya na itinuturing ng simbahan na largest papal audience.

“His presence, prayers, and preaching have confirmed us in faith, enlivened our hope, and animated us to charity,” dagdag ng cardinal.

Pinasalamatan din ni Cardinal Advincula si Pope Francis sa pagtitiwala nito sa mga Pilipino kung saan noong 2021 sa pagdiriwang ng 500th Christianity sa Pilipinas ay itinuring nito ang mga Filipino migrants bilang ‘smugglers of faith’ dahil sa pagbabahagi ng mayabong na pananampalataya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Si Cardinal Advincula ay isa sa tatlong cardinal sa Pilipinas na nilikha ni Pope Francis bago maitalagang arsobispo ng Maynila noong 2021 kabilang na rito sina Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Bukod sa tatlong cardinal, sa 12 taong paninilbihan ni Pope Francis, pinagkatiwalaan din nito si Cardinal Luis Antonio Tagle na maging pro prefect ng Dicastery for Evangelization sa Vatican.

Lumikha rin ito ng 13 arsobispo at 45 mga obispo kabilang na ang mga bagong talaga na sina Bishop-elect Herman Abcede sa Diocese of Daet, Bishop-elect Ronald Anthony Timoner sa Diocese of Pagadian at Bishop-elect Glenn Corsiga sa Diocese of Ipil.

Itinalaga rin ni Pope Francis si Archbishop Arnaldo Catalan na kasalukuyang nuncio sa Rwanda at iba pang mga Pilipinong pari na itinalaga sa iba’t ibang tanggapan ng Vatican.

Bukod sa Pilipinas nabisita rin ng namayapang santo papa ang 64 pang mga bansa, lumikha ng mahigit 900 mga banal ng simbahan, 1, 350 beato ng simbahan at apat na ensiklikal.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 19,093 total reads

 19,093 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 19,372 total reads

 19,372 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 41,334 total reads

 41,334 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,786 total reads

 162,786 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,148 total reads

 213,148 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,205 total reads

 340,205 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 423,553 total reads

 423,553 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top