Radio Veritas at La Consolacion University Philippines, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

 18,085 total views

Tiniyak ng pamunuan ng La Consolacion University Philippines – Malolos ang paghuhubog sa pananampalataya ng kanilang mga mag-aaral.

Ito ang mensahe ni Sr. Niceta Vargas, OSA, PhD, matapos lumagda ng kasunduan ang institusyon sa pagitan ng Radio Veritas para sa ika – 12 edisyon ng Campus Hour.

Sinabi ng madre na layon nitong habang hinuhubog ang pagkatao ay mapapaigting ang kamalayan hinggil sa pananampalataya upang maging handa ang bawat kabataan sa pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

“Napakahalaga ng formation ng faith, aside from lahat ng mga academic, mga activities na ginagawa ng mga estudyante para sa paghuhubog ng kanilang sarili, ay talagang napakahalagang sentro sa amin yung faith development. Kaya, isa sa mga core values namin ay sana ang mga estudyante, pagkatapos ng kanilang pag-aaral, o doon pa man habang nag-aaral sila ay mapupukaw na yung pagiging mga misyonero nila,” pahayag ni Sr. Vargas sa Radio Veritas.

Ayon kay Sr. Vargas na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng programa ng kanilang mga estudyante sa Radio Veritas platforms ay magkaroon ng wastong kamalayan ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos.

Ibinahagi ng madre na kabilang din sa programa ng LCUP sa pamamagitan ng Augustinian Youth Organization ay tinuturuan ang mga kabataan na mahalin ang Banal na Eukaristiya, maglingkod sa mga banal na misa, magmahal sa kapwa, maging mga gawaing social action at maging ang pagkakaroon ng formation activities upang higit nilang makilala ang kanilang sarili.

Naniniwala si Sr. Vargas na sa pamamagitan ng radyo at iba pang media platform ng Radio Veritas ay mas lumawak at mas maraming maaabot ang kanilang mga estudyante sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Ginanap ang paglagda sa memorandum of agreement sa Veritas Chapel kung saan kasama ni Sr. Vargas sina Dr. Enrico Rosales, Assistant to the President for External Affairs, Dr. Aileen De Castro – Cruz, program head ng AB Communication, at Dr. Yen Ocampo, LCUP Faculty habang sa panig ng himpilan ay si Radio Veritas incoming President, Fr. Roy Bellen.

Magsisimula ang 12th edition ng Campus Hour para sa LCUP sa unang sabado ng Mayo at magtatapos sa huling sabado ng buwan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 14,293 total views

 14,293 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 24,921 total views

 24,921 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 45,944 total views

 45,944 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 64,786 total views

 64,786 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 97,335 total views

 97,335 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top