SLP, nagpahayag ng suporta sa Buhay partylist

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,423 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Buhay Party-list para sa 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon kay LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, mahalaga ang pagkakaroon ng mga kinatawan sa Kongreso na tunay na magsusulong sa kasagraduhan ng buhay at pamilyang Pilipino.
Paliwanag ni Padilla, kinakailangan na makapaghalal ng mga mambabatas sa Kongreso na magsisilbing tagapagtanggol ng mga mamamayan mula sa mga panukalang maaring makasira sa pundasyon ng pamilya sa bansa.

Pagbabahagi ni Padilla, tiwala siyang ganap na maisusulong ng mga kinatawan mula sa Buhay Party-list na binubuo nina dating Congressman Lito Atienza, Doc Rene Bullecer at Carlos Sario ang kapakanan ng pamilyang Pilipino sa pagbabalangkas ng mga panibagong batas na tunay na makapagpapabuti sa kapakanan ng mas nakararami o ng common good.

“There are a few bright spots in this 2025 elections. And these bright spots will help us defend faith, family and life! It is with great joy that I endorse BUHAY PARTY-LIST (#63). Why? Every Congress we battle bills that seek to destroy the Filipino family. We need pro-life warriors IN CONGRESS who will stop them right away. I am confident that Cong. Lito Atienza, Doc Rene Bullecer and Carlos Sario will be our voices in Congress, and will make sure to keep the Filipino family protected.” Bahagi ng pahayag ni Padilla.

Partikular na ibinahagi ni Padilla ang pagiging aktibo at kasaping LAIKO ni BUHAY Partylist 2nd nominee – Doc Rene Bullecer na matagal na nagsilbi bilang LAIKO Board at kasalukuyang SLP Vice President for the Visayas na tiyak na kaisa ng Simbahan sa mga paninindigan sa iba’t ibang usaping panlipunan.

“We, in LAIKO, have known Doc Rene Bullecer for a long time. He has been in the LAIKO Board for many year now, and is currently our Vice President for the Visayas. We can vouch for his integrity, passion for service and strength of character.” Dagdag pa ni Padilla.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay ang nagsisilbing implementing-arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity (ECLA) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng mga layko at Council of the Laity mula sa 87-diyosesis sa buong bansa.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 28,645 total reads

 28,645 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 112,712 total reads

 112,712 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 207,043 total reads

 207,043 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 268,729 total reads

 268,729 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 313,070 total reads

 313,070 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top