Social Media para sa Ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,464 total reads

Kapanalig, napakarami ng social media users sa ating bayan. Tinatayang umabot ng mahigit pa sa mahigit 84 milyong katao ang social media users sa ating bansa ngayong 2023.  Pag facebook ang usapan, umaabot ng mahigit 80 million ang users nito sa ating bansa. Ang dami nito kapanalig, kaya nga’t dama nating lahat na buhay na buhay ang social media sa bansa. Maliban pa sa dami, tayo din ang pinakababad sa social media. Halos limang oras tayo nandito kapanalig kada araw. Pero tanungin muna natin  ang ating mga sarili: paano ba natin ginagamit ang social media sa ating bayan?

Dati, sinasabi ng maraming tao na ginagamit nila ang social media para sa koneksyon, sa sosyalisasyon, at para mapalapit pa sa kanilang kaibigan o kaanak.  Pero ngayon, iba iba na ang gamit natin ng social media. Marami sa atin, naghahanap ng balita doon, may iba gamit na rin ito for research. May iba naman, lugar na ito para sa kanilang libangnan. Yung iba, nakasanayan na magscroll na magscroll na lamang dito.

Pero kapanalig, bago ka bumalik sa cellphone mo, naisipan mo na ba gamitin ang social media para sa evangelization? Yung sa halip na puro jokes o kalokohan ang -ishare, ang mabuting balita naman?

Ayon sa Towards Full Presence. A Pastoral Reflection on Engagement with Social Media, ang social media ay isang malaking forum o plataporma kung saan ang ating mga values, ugali, paniniwala, pati lenggwahe ay nahuhulma at nai-impluwesiyahan. Isa itong oportunidad, kaya lamang, sa halip na mas naging united o magkalapit ang mga tao, tila naging plataporma na rin ito ng pagkawatak watak at pagiging makitid at kulong sa ating mga sariling grupo o networks. Hindi na natin itinuturing na kapwa ang ibang mga tao na may ibang paniniwala o gawi  sa atin. Tinuturing natin silang kalaban o kakompentesya, at minsan, hindi na rin tao ang turing natin sa kanila, kundi content.

Dahil dito, mainam kapanalig na ibahin naman natin ang pag-gamit sa social media. Sa halip na tayo-tayo o sila sila, paano natin magagamit ang social media upang magkaroon ng mas maayos, mas malinis, mas buhay na engagements at conversations? Paano tayo magkakaroon ng espasyo ng pakikinig, at hindi ng pakikipagtalo?

Panahon na kapanalig na mabuksan ang diskusyon na ito sa ating mga tahanan, paaralan, at pamayanan. Nag-e-evolve na ang teknolohiya pati ang pag-gamit natin nito. Sa gitna ng ebolusyon na ito ay ang tao – at noon pa man hanggang ngayon, anuman ang gamit niya o instrumento, kailangan ng tao ay koneksyon. Sana gawin nating tunay na makabuluhan ang mga koneksyon natin sa social media ngayon. Gamitin naman natin ito para sa ebanhelisasyon. Maging influencers naman tayo para kay  Kristo.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 70,887 total reads

 70,887 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 103,018 total reads

 103,018 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 204,844 total reads

 204,844 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 245,402 total reads

 245,402 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 262,972 total reads

 262,972 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 70,888 total reads

 70,888 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 103,019 total reads

 103,019 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 204,845 total reads

 204,845 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 245,403 total reads

 245,403 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top