“Act now” para sa kalikasan, hamon ng Obispo sa pagdiriwang ng Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,482 total reads

Nakikiisa ang Diyosesis ng Bayombong, Nueva Vizcaya sa pandaigdigang pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.
Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, ang panahon ng paglikha ay paghikayat sa bawat isa upang panibaguhin ang mga sarili at paigtingin ang kamalayan sa iba’t ibang nangyayari sa kapaligiran.
“Season of creation invites all of us to see, judge, and act everything that is happening around us,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.
Ibinahagi ng obispo na kabilang sa mahalagang tungkulin ng tao para sa kalikasan ang pagmamasid at pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan ng kalikasan na unti-unting nauubos dahil sa pang-aabuso at kapabayaan ng mga tao.
Sinabi ni Bishop Mangalinao na ang kalayaang tinatamasa ng bawat isa ay karapatan maging ng inang kalikasan kaya’t dapat itong gamitin nang wasto at may dignidad.
“Paano natin ginagamit ang ating kalayaan sa pangangalaga o pagsira sa likas na yamang bigay ng Diyos? Ang mga kalamidad: bagyo, sunog, tagtuyot, pagguho ng lupa, pagbaha ay malakas na tinig ng kalikasan laban sa pang-aabuso ng tao sa KARAPATAN ng kalikasan,” ayon kay Bishop Mangalinao.
Iginiit naman ng obispo ang wastong pagsasabuhay sa mga pamamaraang makakatulong sa kalikasan tulad ng ‘three Rs’ na Reduce, Reuse, at Recycle na matagal nang isinusulong upang tugunan ang suliranin sa basura.
Paliwanag ni Bishop Mangalinao na huwag sana itong manatiling slogan lamang bagkus ay dapat na gampanan para maging kapaki-pakinabang sa kalikasan at sa mga susunod pang henerasyon.
“Act now. Kumilos sa kapakanan ng lahat at hindi lamang para sa sarili. Sabi nga ang ating micro effort ay may macro impact,” saad ni Bishop Mangalinao.
Kabilang naman sa mga usaping pangkalikasan na patuloy na tinututukan ng Diyosesis ng Bayombong ang mapaminsalang pagmimina ng OceanaGold Corporation sa Didipio, Nueva Vizcaya.
Una nang inihayag ni Bishop Mangalinao na ang nakikitang benepisyo ng pamahalaan sa pagmimina ay malayo sa mga nararanasan ng mga katutubong pamayanan na higit pang naghihirap dahil sa pinsalang dulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 8,430 total reads

 8,430 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 90,289 total reads

 90,289 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 192,015 total reads

 192,015 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 228,803 total reads

 228,803 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 259,028 total reads

 259,028 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,780 total reads

 58,780 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top