Suliranin ng pamayanan, tinalakay ng 240 Social Action Center workers sa 40th NASAGA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

Nagpaabot ng pagbati si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa pamunuan ng NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa isinasagawang pagtitipon ng mga diocesan social action director sa General Santos City, South Cotabato.

Ayon kay Archbishop Tirona, makabuluhan ang pagsasagawa sa 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) dahil natatalakay dito ang iba’t ibang suliranin at pangangailangan ng diyosesis para sa pangangalaga sa kalikasan, at kalagayan ng mga nasa mahihirap na sektor na lubos na apektado ng mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.

Sinabi ng Arsobispo na magandang pagkakataon din ito upang maipakita at maipahayag ng mga SAC directors at workers ang kanilang pangako at paninindigan para sa pagkakaroon ng payapang lipunan para sa ikabubuti ng lahat.

“Natutuwa akong makita ang ating mga agents of social change na nandito lahat para ipakita na sa panahon ng hindi natin alam, still nandyan ang committment ng ating social action directors, social action workers na ipalaganap ang common good, ang katarungan at lalong lalo na ang katotohanan,” pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radio Veritas.

Tinatayang nasa 240 social action workers na kinabibilangan ng mga Pari mula sa 71 diyosesis ang nakibahagi sa NASAGA upang talakayin at makalikha ng programa para sa kaayusan ng lipunan.

Nagpapasalamat naman si Archbishop Tirona sa pagkakataong maimbitahan at makabahagi sa malaking pagtitipon ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Hangad ng Arsobispo na nawa’y mapaigting pa ng Caritas Philippines ang kanilang mga programa upang mas mapalaganap ang pagtulong ng simbahan tungo sa pagkakaroon nang maayos at mapayapang lipunan.

“Malaking kagalakan para sa akin na maging bahagi ng NASAGA 2022 kaya salamat kay Bishop Jose Colin Bagaforo sa pag-anyaya sa akin. Harinawa ang Caritas Philippines ay lumago pa at magkaroon nang mas malalim na impluwensya sa pagbabago ng ating lipunan,” saad ni Archbishop Tirona.

Bago ang kasalukuyang pamumuno ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, si Archbishop Tirona ang dating chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na mas kilala bilang NASSA/Caritas Philippines simulantaong 2014 hanggang 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 42,540 total views

 42,540 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 42,541 total views

 42,540 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 42,541 total views

 42,540 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 41,173 total views

 41,173 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 37,566 total views

 37,565 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top