Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,752 total reads

Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol sa iba’t ibang flood control projects sa bansa. Inilunsad ang website matapos ibigay ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) ang listahan ng mga flood-control projects sa buong bansa, alinsunod na rin sa utos ng pangulo. 

May natuklasan si PBBM sa report ng DPWH. Umaabot sa 545 bilyong biso ang kabuuang halaga ng mga flood control projects sa bansa; 20% ng halagang ito ay napunta sa labinlimang contractors lamang. Inilabas ng palasyo ang listahan ng mga contractors na ito. May halos sampung libong flood control projects sa buong bansa, at anim na libo sa mga ito ay may kabuuang halaga na mahigit 350 bilyong piso. Katakataka naman kung bakit may mga flood control projects na magkatulad ang gastos at disenyo pero magkaiba ng lokasyon.

Sa mga rehiyon, Metro Manila ang may pinakamaraming flood control projects. Ang 1,058 na proyekto rito ay nagkakahalaga ng halos 53 bilyong piso. Sinundan ang Metro Manila ng Region III (o Central Luzon) at ng Region V (o Bicol Region). Bulacan, Cebu, at Isabela naman ang mga probinsyang may pinakamaraming proyekto. Maliban sa Bulacan, wala ang Cebu at Isabela sa sampung lugar na pinakalantad sa banta ng pagbaha o flood prone.

Ang pagsasapubliko ng mga detalye ng mga flood control projects ay tugon sa pahayag ni PBBM sa kanyang State of the Nation Address na lalabanan ng kanyang administrasyon ang korapsyon sa sektor ng imprastraktura. Hinikayat niya ang publikong makiisa sa pamamagitan ng paggamit ng website upang mapanagot ang mga tiwaling opisyal at itama ang mga palpak na proyekto.

Sa pagtugon ng gobyerno sa problema natin sa baha, angkop na paalala ang sinabi ni Pope Leo XIII. Gampanin ng gobyerno na huwag hayaang iilang tao lamang ang makinabang [sa mga ginagawa nito] sapagkat ang pamahalaan ay inilaan upang panatilihin ang kabutihang panlahat.

Hindi sana maging ningas kugon ang inisyatibong ito ng administrasyong Marcos Jr. Hinahamon nito ang mga contractors at mga lokal na pamahalaan na tiyaking dekalidad, maayos, at tapós sa itinakdang panahon ang paggawa ng mga flood control projects. Maganda ring nahihikayat tayong mga mamamayan na usisain kung paano ginagastos ang malalaking pondo na mula sa binabayaran nating buwis.

Pero sapat na bang isapubliko lang ang mga contractors upang matiyak na hindi kinukurakot ang pera ng bayan? Hindi pa. Nangangailangan ito ng komprehensibong pagpapanagot ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga auditing processes. Dapat parusahan ang mga mapatutunayang ibinubulsa ang pondo. Hindi sapat na may tagpi-tagping flood control projects sa isang lugar. Dapat komprehensibo, malawakan, at integrated ang mga ito sa mga bahaing lugar. At lalong hindi sapat ang pagtatayo lamang ng mga imprastruktura ang solusyon sa baha. Kailangang samahan din ang mga ito ng mga proyektong angkop sa ating kalikasan, pakikinabangan ng lahat, at nagpapaigting ng proteksyon natin mula sa mga panganib at sakuna.

Mga Kapanalig, malalâ na ang problema natin sa baha, at ang mahihirap ang madalas na napeperwisyo nito. Magsikap dapat ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwali at tiyaking dekalidad ang mga natatapos na proyekto. Maging gabay sana ng gobyerno at ng mga kinokontrata nito para sa mga flood control projects ang mga salitang ito sa Levitico 19:35-36: “Huwag kayong mandaraya sa pagsukat ng haba, timbang, o dami. Magkakaroon kayo ng wastong pamantayan, [at] wastong timbangan.” Kung babalewalain ito, hindi matatapos ang pagpapahirap ng mga sangkot sa pandaraya at panlalamang sa maraming Pilipino sa panahon ng baha. Sabi nga ng pangulo, mahiya naman kayo!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,308 total reads

 44,308 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,208 total reads

 124,208 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,656 total reads

 157,656 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,954 total reads

 192,954 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,791 total reads

 417,791 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 44,309 total reads

 44,309 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,209 total reads

 124,209 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,657 total reads

 157,657 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,955 total reads

 192,955 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top