Charismatic renewal, kinilala ni Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,057 total views

Kinilala ni Cebu Apostolic Administrator Archbishop Emeritus Jose Palma ang mahalagang gampanin ng Charismatic Renewal sa pagpapalawak ng misyon ng Simbahan sa kasalukuyang panahon.
Sa pagbubukas ng kauna-unahang CHARIS National Spiritual Directors Conference sa Pope Pius XII Catholic Center sa Manila, ibinahagi ng arsobispo ang kanyang karanasan ng dumating sa Cebu noong 2010 kung saan buhay ang komunidad ng mga charismatic.

“I thank the Lord that when I came to Cebu, I found it a community of wonderful, charismatic people. The journey becomes a journey of great joy and hope as we move towards the Church’s journey towards tomorrow,” pahayag ni Archbishop Palma, na kasalukuyang National Episcopal Adviser ng CHARIS Philippines.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay muling nabubuksan ang puso ng mga mananampalataya upang magbuklod sa pananalangin at magnilay sa Mabuting Balita ng Panginoon.
Idinagdag ng arsobispo na nanatiling matatag ang Charismatic Renewal sa bansa dahil sa ministeryo ng mga pari, partikular sa paggawad ng mga sakramento at higit sa lahat sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

“In any ministry to charismatics, we begin with the truth, the importance of the Eucharist, and that we are baptized — a dignity nobody can take from us,” giit ng arsobispo.

Binigyang-diin din ni Archbishop Palma ang mahalagang papel ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria na nagpapatibay sa pastoral work ng mga pari lalo na sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya at komunidad.

Samantala, sinabi naman ni CHARIS International member at CHARIS Philippines National Coordinator Fe Barino na ang pagkilos ng Espiritu Santo sa puso ng mga mananampalataya ang susi sa masiglang simbahan.

“The spirituality of the Charismatic Renewal is living a life in the Spirit. Empowered by the Holy Spirit, we can see a more vibrant and synodal Church, because the Holy Spirit is the catalyst of synodality,” pahayag ni Barino sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Barino na sa pamamagitan ng mga charismatic groups ay higit pang maitataguyod ang misyon ng Simbahan.

“The Charismatic Renewal is a potent group to promote evangelization through their charisms in their communities,” dagdag pa niya.

Umaasa si Archbishop Palma na ang pagtitipon ay magiging daan upang higit pang mapaigting ang paglilingkod ng mga pari at lay leaders sa Charismatic Renewal.

“Towards the end of this conference, we will be guided, strengthened, and inspired to accept this noble ministry, because together with all members of the Charismatic Renewal, we form one big community journeying toward the Father,” aniya.

May temang “Power for Mission,” layunin ng pagtitipon na palakasin ang paglilingkod ng mga spiritual directors sa kani-kanilang diyosesis bilang gabay at katuwang ng mga charismatic groups.
Dinaluhan ang conference ng 113 delegado na binubuo ng mga pari, madre, at lay leaders mula sa 60 diyosesis at iba’t ibang charismatic communities sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,248 total views

 11,248 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,360 total views

 81,360 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 155,974 total views

 155,974 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,053 total views

 236,053 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 278,914 total views

 278,914 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top