Bagong RVA General Manager, magsisimula ng panunungkulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,437 total reads

Puno ng pasasalamat at pag-asa si Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD sa pagsisimula ng kanyang bagong tungkulin bilang General Manager ng Radio Veritas Asia (RVA).

Ito ang kanyang mensahe matapos maitalaga sa posisyon noong August 5, sa ilalim ng appointment na nilagdaan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, chairman ng Philippine Radio Educational and Information Center Inc. (PREIC), at ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, chairperson ng Office of Social Communication ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC).

“As I begin this new mission as General Manager of Radio Veritas Asia, I carry gratitude and hope,” pahayag ni Fr. Fiel sa Radyo Veritas.

Aminado ang pari na mahirap iwanan ang Cebu, kung saan siya naglingkod sa radio ministry nang 11 taon at higit na nahubog ang kanyang bokasyon. Gayunman, buong loob na tinatanggap ang panibagong yugto ng paglilingkod.

“Leaving Cebu, where I spent 11 years in radio ministry, was difficult, and my heart was deeply formed. Yet, I am also happy to embrace this new journey that opens new possibilities for my personal growth and widens my horizons in the service of the Church,” ani Fr. Fiel.

Batid ng pari na kaakibat ng kanyang tungkulin ang malaking hamon lalo na sa larangan ng new evangelization sa gitna ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya.
“In this digital age, the call to new evangelization through media is both a challenge and a gift. Amid the many voices of today’s world, I renew my commitment to tell the story of Christ,” giit niya.

Si Fr. Fiel ay tubong Kiblawan, Davao del Sur. Nagtapos siya bilang magna cum laude ng Master of Arts in Theology sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City at kumuha rin ng Master of Science in Development Communication sa University of the Philippines Los Baños.

Naordinahang pari ng SVD noong 2008 at naglingkod sa iba’t ibang misyon ng kanilang kongregasyon lalo sa mga parokya sa Zamboanga Sibugay at radio ministry sa Cebu sa pamamagitan ng Word Broadcasting Corporation. Nagsilbing Assistant General Manager mula 2014 hanggang 2020 at General Manager mula 2020 hanggang sa kanyang pagtatalaga sa RVA.

Bukod dito, nagtuturo rin ang pari ng broadcasting journalism, at development communication sa University of San Carlos, Cebu at Holy Name University, Bohol.

Kilala rin si Fr. Fiel sa kanyang community-building efforts, kabilang ang pag-organisa ng world’s longest biko (sticky rice) event sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay, na nagbuklod sa mga Muslim, Kristiyano, at mga Subanen. Aktibo rin ito online sa pamamagitan ng kanyang blog at mga pagninilay sa social media.

Kabilang sa kanyang mga parangal ang Excellence in Vocation Promotion Award (2012), Best Blog Award mula sa 2017 Catholic Mass Media Awards, at Inspiring Religious Leader in Media Award mula sa 2023 International Golden Globe Achievers Awards.

Itinatag ng FABC ang Radio Veritas Asia noong 1969 bilang shortwave radio station na nagsasahimpapawid ng mga pagninilay at katesismo sa iba’t ibang lengwahe sa Asya, partikular sa mga bansang may mahigpit na patakaran sa relihiyon.

Hahalili si Fr. Fiel kay Claretian Fr. Victor Sadaya, na nagsilbing GM ng RVA mula 2016. Pormal siyang magsisimula sa kanyang tungkulin sa September 1, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,465 total reads

 46,465 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,268 total reads

 126,268 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,715 total reads

 159,715 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,013 total reads

 195,013 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,776 total reads

 419,776 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top