Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sumpain ang mga mamamatay tao, Mga sumusuporta sa pagpatay at mga nagmamasid sa pagpatay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total views

Ito ang ‘Orakulo ng Propeta Laban sa mga Mamamatay-tao’ na binasa ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa Homiliya sa San Roque Cathedral kasabay na rin ng paggunita ng kamatayan ng 17-taong gulang na si Kian Lloyd Delos Santos-na pinatay ng pulis Caloocan dahil sa bintang na pagbebenta ng ilegal na droga Agosto ng nakalipas na taon.

Ayon sa Obispo, ito ang magiging orakulo ng mga sinaunang propeta sa Lumang Tipan sa nagaganap na karahasan sa Pilipinas- ang pagpaslang sa mga hinihinalang lulong sa ipinagbabawal na gamot nang walang pananagutan sa batas.

Nakapaloob din sa binasang Orakulo ni Bishop David ang mga nagpapakilalang ‘Kristiyano’ subalit walang pagpapahalaga sa buhay ng kapwa maging ang paglapastangan sa Panginoon.

“Dumanas nawa kayo ng kasawian, kayong mga tumatawag na “Kristiyano” sa sarili ngunit wala mang lamang ni katiting na pagpapahalaga sa buhay ng mga biktima ng pagpatay, o kahit sa mga paring pinapapatay. Nagagawa pa ninyong makatawa kahit niyuyurakan na ang inyong pananampalataya at tinatawag na tanga ang Diyos! Kayong mga bulag na hibang! Nagsisimba pa mandin kayo para makinig sa Salita ng Diyos; pumipila sa Komunyon para matanggap ang Kordero ng Diyos na namatay para sa mga makasalanan, ngunit hinahayaan ni’yo namang mapatay ang mga pinag-alayan Niya ng buhay!”

Read: Orakulo ng Propeta Laban sa mga Mamamatay-tao /A PROPHETIC ORACLE AGAINST MURDERERS

Pinasinayaan din ni Bishop David, kasama si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez ang ‘Black Stone Marker’ sa harapan ng San Roque Cathedral, bilang paggunita sa napaslang na si Delos Santos at mga biktimang napaslang dahil sa ‘Drug War Campaign’ ng Gobyerno.

Tinatayang higit na sa 20 libo ang bilang ng mga napaslang dahil sa kampanya kontra droga na una ring kinokondena ng Simbahan.

Sa halip na pagpaslang, nagpasimula ang iba’t ibang Simbahan sa bansa ng community based drug rehabilitation kabilang na ang ‘Salubong’ ng Diocese ng Caloocan kung saan may 300 ng drug surrenderers ang nakapagtapos sa programa.

Ilan pa sa mga drug rehabilitation program ng simbahan ang SUGO at Labang ng Archdiocese ng Cebu; Sanlakbay ng Archdiocese of Manila; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; at ang 27 taon ng Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na nagbibigay ng programa para sa lulong sa bisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 95,724 total views

 95,724 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 117,787 total views

 117,787 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 133,483 total views

 133,483 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 139,537 total views

 139,537 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 196,819 total views

 196,819 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top