Sundin ang health safety protocol ng pamahalaan-Bishop Abarquez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,798 total views

Magkaisa sa pag-unawa at pagsunod sa mga panuntunan ng pamahalaan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019.

Ito ang paalala ni Calbayog Bishop Isabelo Abarquez sa pagbabawal ng pamahalaan na magtungo sa mga sementeryo at kolumbaryo ngayong Araw ng mga Patay.

Ayon sa Obispo, bagamat bahagi na ng kultura at tradisyon ng pamilyang Filipino ang sama-samang pagbisita at pag-aalay ng panalangin sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay ay mahalagang tupdin ang panuntunan ng pamahalaan.

“Alam po nating lahat na tayo ay pinagbawalan na magpunta sa sementeryo sa November 1, 2 and 3 yung sa iba hanggang 4 dahil po sa pandemic na nararanasan natin ngayon, sana po tayong lahat ay mag-intindihan at magkaisa sa pagsunod sa protocol na ito dahil ito po ay para lang sa ating kabutihan at para pag-prevent sa atin from being contaminated with this COVID-19, it’s better to obey, to follow”. pahayag ni Bishop Abarquez sa panayam sa Radio Veritas.

Sa inilabas na Resolution #72 ng IATF noong ika-17 ng Setyembre, ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng mga pampuliko at pribadong sementeryo at mga kolombaryo mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre.

Samantala, pinalawig na rin ng Vatican ang paggagawad ng plenaryo indulhensya hanggang sa buong buwan ng Nobyembre mula sa karaniwang paggawad ng indulhensya simula unang araw hanggang ika-8 ng Nobyembre.

Ito ay maaaring matanggap sa anumang araw sa buong buwan sa sinumang bibisita sa puntod, magdarasal para sa mga namayapa at magsasagawa ng pagkakawanggawa.

Ang indulhensya plenaryo ay pagtatanggal sa parusang temporal sa mga kasalanang nagawa ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 51,311 total views

 51,311 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 51,311 total views

 51,311 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 51,311 total views

 51,311 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 49,741 total views

 49,741 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 45,441 total views

 45,441 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top