Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suspension ng writ of habeas corpus, walang dahilan

SHARE THE TRUTH

 413 total views

Walang nakikitang dahilan ang Constitutionalist na si Atty. Christian Monsod para suspendihin ng Administrayong Duterte ang ‘writ of habeas corpus’.

Ayon kay Monsod, isa sa nag-draft ng 1987 Constitution, walang rebelyon na nangyayari at kung mayroon mang sinasabing ‘lawless violence’ para ito sa sinasabing extrajudicial killings na isinasailalim ngayon sa imbestigasyon.

Dagdag ng abogado, kung may butas man sa mga imbestigasyon, ito ay kapabayaan na ng Philippine National Police.

“I don’t see it, ang nakikita ko merun ngang ‘lawless violence’ pero yun eh in connection with enforcement sa killings na under investigation (vigilante), nagtataka lang ako not a single case nagkaroon ng successful investigation na nagsabi kung sino gumawa nun, not a single case has been solved parang kakulangan yun ng PNP,” ayon kay Monsod sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ni Monsod, hindi dahilan ang lawless violence para isuspinde ang writ of habeas corpus sa halip kung may banta ng rebelyon lamang.

“Sabi niya (Duterte) lawless violence, hindi na ngayon pwede magsuspend ng writ of habeas corpus kung sasabihin mo lawless violence, inalis nga namin yan, noong 1935 Constitution kasama yan for declaring martial law, or suspending the writ of habeas corpus, inalis din namin yung eminent danger thereof…“Yung habeas corpus yung rules ng Constitution diyan , is contained in 2 provision of the Constitution sa Bill of Rights sec 15, hindi pwede isuspend except in case of for rebellion or invasion or when the public safety requires it, maski na merung invasion or rebellion , sa sec 18 ng ating Konstitusyon nakalagay ulit yun, yung state of martial does not automatically suspend writ of habeas corpus, at saka it only applies to person judicially charge for rebellion or directly connected with invasion, within few days he must be charged or else dapat siya pakawalan.”

Pahayag naman ni Monsod, maaari namang suspendihin ang writ of habeas corpus sa isang lugar sa bansa na may banta ng rebelyon.

“Pwede mag-declare ng Martial Law or suspend the writ of habeas corpus pero di naman buong bansa pede dun sa areas lang na may banta at 60 days nakalagay sa constitution natin. Sa sec 18 article 7, 60 days lang and within 48 hrs need ng president na magreport in writing sa Congress, then ang congress without need of a call can either revoke it or upon request to the president may extend it, ang SC may review in a proceeding maski sinong citizen na mag file o petisyon na kinukuwestyon anong basehan ng suspension and SC must decide within 30 days,” ayon pa kay Monsod.

Sa ulat ng Philippine National Police, nasa higit 4,000 na ang napapaslang sa operasyon ng pamahalaan kontra iligal na droga habang higit sa 700,000 na ang sumukong drug addicts at pushers.

Una ng inihayag ng mga obispo ng Simbahang Katolika na dapat manatili ang pagrespeto ng pamahalaan sa karapatang pantao ng lahat ng mamamayan maging sa mga itinuturing na kriminal na may karapatang magbagong-buhay.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,592 total views

 29,592 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,309 total views

 41,309 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,142 total views

 62,142 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,562 total views

 78,562 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,796 total views

 87,796 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 84,694 total views

 84,694 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 83,778 total views

 83,778 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 31,055 total views

 31,055 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 31,066 total views

 31,066 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 31,069 total views

 31,069 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top