Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tagumpay ng 126th CBCP plenary assembly, ipinagdarasal ng CMSP

SHARE THE TRUTH

 1,700 total views

Nagpaabot ng panalangin ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa nakatakdang 126th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay CMSP Executive Secretary Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm. mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Espiritu Santo para sa nakatakdang pagpupulong ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa.

Paliwanag ng Pari, mahalaga ang gabay ng Banal na Espiritu sa mga Obispo na nagsisilbing pastol sa kawan ng Panginoon upang ganap na mapagnilayan, matalakay at mapagdesisyunan ang mga usaping dapat na tutukan at bigyang pansin ng Simbahan.

“Being our shepherds they are having their retreat now in [Diocese of] Kalibo and soon they will start the 126th Plenary Assembly ng Bishops of the Philippines my message for all our elders, our bishops is that may the Holy Spirit guide them and enlighten them and inspire them as they do their plenary assembly which is a time to discern, to discuss, to come up with a decisions that will impact the Church especially we are in the walking together in the spirit of synodality.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Buenafe sa Radio Veritas.

Inaasahang kabilang sa tatalakayin sa gaganaping pagpupulong ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre ngayong taon.

Nakatakda ang 126th Plenary Assembly ng CBCP sa Marzon Hotel sa Kalibo, Aklan mula ika-8 hanggang ika-10 ng Hulyo, 2023 sa ilalim ng pangangasiwa at paghahanda ng Diyosesis ng Kalibo.

Sa kasalukuyan binubuo ang CBCP ng 88 active bishops, dalawang diocesan priest-administrators at 37 honorary members na pawang mga retiradong Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 123,685 total views

 123,685 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 131,460 total views

 131,460 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 139,640 total views

 139,640 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 154,438 total views

 154,438 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 158,381 total views

 158,381 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 1,773 total views

 1,773 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 27,002 total views

 27,002 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 27,685 total views

 27,685 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top