Mamamayan, hinimok ng simbahan na makiisa sa pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mahihirap na pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,169 total views

Hinimok ng Healthcare Commission ng simbahan ang bawat isa na makibahagi sa pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ito’y upang matugunan ang patuloy na kagutuman at malnutrisyon sa bansa na ang higit na apektado ay mga bata.

Sinabi ni Fr. Cancino na ang pagiging bukas ng puso’t kalooban ng bawat isa sa pagtulong ay malaking bagay na upang maipadama ang pagmamalasakit at pag-ibig ng Diyos sa mga higit na nangangailangan.

Ang mensahe ng pari ay kaugnay sa paggunita sa 2023 National Nutrition Month na may temang Healthy Diet gawing affordable for All.

“Sa palagay ko ang pagbibigay natin ng tamang pagkain, tamang nutrisyon sa mga bata ay ang pagpapahalaga rin ng pagkain hindi lang ng katawan pero ng puso at ng kaluluwa. Ito ay simbolo ng ating pag-ibig para sa mga minamahal ng ating Panginoong Diyos,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Cancino na ang pagdiriwang sa nutrition month ay hindi lamang para sa kalusugan ng katawan, kun’di para din sa pagpapabuti ng espiritwalidad.

Ayon sa opisyal ng CBCP, ang layuning tulungan ang mga dukha na maibsan ang pinagdaraanan tulad ng kagutuman ay napapanibago ang malalim na pakikipag-ugnayan sa Panginoong Diyos.

“Ang nutrition month din ay pagpapaigting ng spirit ng community kasi kapag tayo ay tumutulong lalong lalo na sa mga nagugutom, sa mga malnourished, kapag tayo ay umaabot sa kanila, napapalalim din natin at napapalakas yung communitarian spirit,” ayon kay fr. Cancino.

Kabilang sa mga programa ng simbahan ang HAPAGASA Integrated Nutrition Program ng Pondo ng Pinoy na layong maibsan ang kagutuman at malnutrisyon sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa mga kabataan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Taong 2005 nang ilunsad ang HAPAGASA kung saan umabot na sa higit dalawang milyong mga bata ang natulungan upang makaahon mula sa malnutrisyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 29,645 total views

 29,645 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 62,727 total views

 62,727 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 91,078 total views

 91,078 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 158,809 total views

 158,809 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 179,865 total views

 179,865 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top