Tagumpay ng delivery riders

SHARE THE TRUTH

 362 total views

Mga Kapanalig, tagumpay para sa mga delivery riders ng kumpanyang Lazada ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa reklamo nilang illegal dismissal. Noong 2017 pa nagsampa ng reklamo ang limang riders ng Lazada sa National Labor Relations Commission o NLRC para sa bigla nilang pagkakatanggal sa kanilang mga karaniwang ruta at hindi na pagbibigay ng trabaho sa kanila.

Ayon sa NLRC, walang employee-employer relationship sa pagitan ng Lazada at ng mga riders. Para sa komisyon, independent contractors ang mga riders ng Lazada kaya hindi sila regular na empleyado ng kumpanya. Samakatuwid, hindi maituturing na iligal ang biglang pagpapalit sa kanila ng Lazada. Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyong ito.

Itinaas ng mga riders sa Korte Suprema ang kanilang kaso at pinanigan naman sila nito. Setyembre pa noong nakaraang taon ang desisyon, ngunit isinapubliko ito noong nakaraang lingo lamang. Ayon sa Korte Suprema, mayroong employee-employer relationship ang dalawang kampo. Una, direktang empleyado ng Lazada ang mga riders dahil may pinirmahan silang kontrata sa kumpanya mismo. Pangalawa, kinukubra ng riders ang kanilang sahod mula sa Lazada. Ikatlo, may kakayanang tanggalin ng Lazada sa trabaho ang mga riders. Panghuli, kontrolado ng Lazada ang trabaho ng riders sa pamamagitan ng pagsigurong mayroon silang route sheets kung saan makikita ang oras ng pagdating at pag-alis nila, maging ang pag-aabot mismo ng packages sa mga customers. Dagdag pa ng hukuman, maituturing na mahalagang serbisyo ang delivery sa operasyon ng Lazada; ibig sabihin, hindi maaaring mawala ang trabahong ginagawa ng riders sa kumpanya. Kaya para sa Korte Suprema, mali ang basta na lang tanggalin ng Lazada ang limang riders dahil dapat silang ituring na regular na empleyado ng kumpanya.

Ikinatuwa ng mga riders, labor groups, at ilang mambabatas ang naging desisyon ng Korte Suprema. Para kay Senadora Risa Hontiveros, indikasyon itong pinahahalagahan ng hukuman ang panlipunang katarungan at pinoprotektahan nito ang karapatan ng mga manggagawa. Hangad niyang masundan pa ito ng marami pang tagumpay para sa mga manggagawa. Ayon naman kay Sonny Matula ng Federation of Free Workers, maaaring magamit itong precedent ng iba pang riders na nasa parehong sitwasyon upang maging regular silang empleyado. Makasaysayan daw ang naging desisyon ng Korte Suprema at

malaking hakbang ito para gawing normal ang pagiging regular ng mga manggagawa. Gayunman, nagpaalala ang Employers Confederation of the Philippines na hindi raw maaaring gawing basehan ang desisyon ng Korte Suprema upang gawing regular ang lahat ng manggagawa. Nakadepende pa rin daw ito sa klase ng trabaho at sa kundisyon ng paggawa.

Naniniwala ang Simbahang ang tao ay ang tunay na basehan ng dignidad ng anumang trabaho Maliban sa pagiging instrumento upang magkaroon ang tao ng isang buhay na makatao, ang paghahanapbuhay ay paraan upang makapag-ambag ang bawat isa sa kaunlaran ng lipunang kanyang ginagalawan. Ang pagtatrabaho ay hindi dapat tingnan bilang isang kasangkapan lamang kundi isang paraan upang maitaguyod ang dignidad ng tao.

Maituturing na hakbang patungo sa pagpapahalaga sa dignidad ng pagtatrabaho at ng tao ang naging desiyon ng Korte Suprema sa kaso ng mga riders at Lazada. Gayunpaman, marami pang kailangang gawin upang masigurong nakakamit ng mga manggagawang Pilipino ang kanilang mga Karapatan, katulad ng maayos na pasahod, malayang pag-oorganisa, at seguridad sa trabaho.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Genesis 2:15, inilagay ng Diyos ang tao rito sa mundo, “upang alagaan at ingatan [ito].” Sa pamamagitan ng pagtatrabaho, konkretong nagagampanan ng tao ang tungkuling alagaan at ingatan ang mundong ihinabilin sa atin ng Diyos. Umiral sana ang mga makatarungang patakaran katulad ng regularisasyon ng mga manggagawa nang maisakatuparan ng bawat isa ang misyong iniatas sa atin ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 24,725 total views

 24,725 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 30,143 total views

 30,143 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 36,850 total views

 36,850 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 51,646 total views

 51,646 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 57,802 total views

 57,802 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 24,726 total views

 24,726 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 30,144 total views

 30,144 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 36,851 total views

 36,851 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 51,647 total views

 51,647 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 57,803 total views

 57,803 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,701 total views

 39,701 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,285 total views

 50,285 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,502 total views

 58,502 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,735 total views

 42,735 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,711 total views

 48,711 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,804 total views

 51,804 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,509 total views

 41,509 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,397 total views

 42,397 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,700 total views

 57,700 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,109 total views

 70,109 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top