Talinghaga ng Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total views

Kuwaresma:
nagsisimula Miercules de Ceniza
mga noo'y pinapahiran ng abo
sa anyo ng Krus ni Kristo, paalala
tayo ay markado na yayao -
"Alalahanin sa alabok ika'y nanggaling,
at sa alabok karin babalik" - ngunit,
tinitiyak din ng Krus na hindi magwawakas 
pagkaagnas at pagkabulok nitong 
ating katawan dahil sa kahuli-hulihan 
si Kristo ay babalik upang ibangon tayo 
at mabuo mga buto at laman ng kasu-kasuan
mabubuhay magpakailanman
pati katawan kaisa ng kaluluwa.
Sa panahon ng Kuwaresma,
hinihikayat tayong mag-ayuno
at mag-abstinensiya, ipagpaliban 
kaginhawahan sa katawan
hindi upang pahirapan ni parusahan
kungdi upang maranasan kapanatilihan 
ng Diyos nating banal; tinitiis kagutuman 
layaw pinipigilan upang tanging
panaligan at asahan Poong Maykapal;
katawan ay sinasaid upang mawalan 
ng laman upang mapunan, mapalitan
ng Espiritung Banal, magkaroon ng puwang
at pitak para sa Diyos at kapwa tao 
na ating tinatalikuran at nakakalimutan.
Pagmasdan kabalintunaan 
sa gitna ng kasaganaan di lamang 
ng pagkain at kagamitan pati ng
mga gawain at maraming kaisipan
hindi maitatanggi ating pagkalugami 
sa kadiliman ng kawalan ng kahulugan;
itong ating buhay, araw-araw na Kuwaresma 
sa tuwina ipinapaalala pananalangin at
pagtitika, pag-aayuno at paglilimos
sana ating matalos na siyang landas 
pabalik sa Diyos na ating hantungan
at pinagmulan, ating kaganapan na
natatagpuan, nararanasan kapag ating
pinapasan Krus ni Hesus na ating kaligtasan.
Larawan mula sa ravenscov.org

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,472 total views

 8,472 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,201 total views

 76,201 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,353 total views

 99,353 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,467 total views

 169,467 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,584 total views

 243,584 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our inexpressible groanings

 1,627 total views

 1,627 total views Lord My Chef SundayRecipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Sixteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 19 July 2026 Wisdom

Read More »

The other side of God

 3,545 total views

 3,545 total views Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the Fifteenth Week of Ordinary Time, Year II

Read More »
Scroll to Top