VeritasPH

The Word, The Truth

 292 total views

Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, Marso 6, 2022, Luke 4:1-13

Pilit na nililito ng diyablo si Hesus, ang Diyos na totoo na tao ring totoo. Alam kasi niyang hindi niya kaya ang pagka-Diyos niya, kaya ang pinupuntirya niyang iligaw ng landas ay ang pagkatao niya, katulad ng alam niyang napagtagumpayan niyang gawin kina Adan at Eba ayon sa kuwento ng Bibliya sa Genesis. Kaya pilit niya tayong tinutukso. Ang hangarin niya ay ang linlangin o lituhin ang tao. Lahat ng paraan ginagawa niya para makundisyon o mabago ang oryentasyon o direksyon ng tao sa buhay.

Hindi niya alam na ang pinaka-misyon ni Kristo ay ang maibalik nga ang tao sa tamang oryentasyon o direksyon sa buhay. Ang salitang ginagamit sa Griyego ay METANOIA, sa Ingles, conversion, sa Filipino,“pagbabalik-loob”. Ito ang layunin ng pagkakatawang-tao ni Kristo: ang maibalik-ang-loob ng tao sa Diyos. Kaya nga ang mensaheng narinig natin noong nagsimula ang Kuwaresma sa ritwal ng pagpapahid ng abo ay: “Talikuran mo ang kasalanan at paniwalaan ang mabuting balita.” Ibig sabihin, “magbalik-loob sa Diyos.”

Ang tawag ko sa misyon ni Satanas ay “negative reorientation” o kaya, mas mabuti, “disoryentasyon” o pagkahibang o pagkawala sa sarili. At ang misyon naman ni Kristo ay “positive reorientation”, ang mahimasmasan tayo, ang maibalik niya tayo sa katinuan, sa tunay nating sarili—ibig sabihin ang ituon ang loob natin sa Diyos.

Simulan natin sa negative reorientation. Paano inilalayo ng dimonyo ang tao sa Diyos? Tingnan natin sa unang tukso: GAWING TINAPAY ANG BATO.

Pinipilit niyang kumbinsihin ang tao na:

-pwede namang magshort-cut; ba’t mo pa kailangang magpakapagod o magsumikap? Maraming katumbas ang tuksong ito. Halimbawa, “Bakit ba kailangang magsimula sa mababa kung puwede namang gumamit ng koneksyon para diretso na sa itaas? May padrino namang pwedeng gumawa ng paraan? Pag may impluwensya, samantalahin! Gamitin! Bat ba susunod pa sa patakaran e pwede namang maglagay? Bat ba mangangampanya pa, pwede namang mamili ng boto. Bat ba mag-aadvertise pa e pwede namang umupa na lang ng mga trolls, na magkakalat ng fake news at disinformation sa social media? Bakit magrereview pa kung pwede namang mandaya sa exam? Bat ba maghahanapbuhay pa e pwede namang mabuhay sa nakaw?

Tingnan natin sa pangalawang tukso: SAMBAHIN MO AKO AT SASAMBAHIN KA:

-tinuturuan ng dimonyo ang tao na tumulad sa Diyos ngunit sa maling paraan—sa pamamagitan ng paghahangad ng kapangyarihan at kapurihan. Kaya pala napakadelikado ng kapangyarihan, nakakahibang, nakakahumaling. Para kang langaw, akala mo kalabaw ka na, natungtong lang sa ulo ng kalabaw.

Tingnan lang ang kasalukuyang ginagawa ng presidente Putin ng Russia. Litong lito na siya: ang tingin niya sa ginagawa niya ay pagpapalaya sa Ukraine, hindi pananakop. Nakakahibang talaga ang kapangyarihan, lalo na kung pinaiikutan ka ng mga alipores na walang ginagawa kundi purihin at sang-ayunan lahat ng gusto mo. Mula sa pagsamba sa Diyos, nililigaw ni Satanas ang tao na maniwalang di na niya kailangan ang Diyos dahil ramdam niya na Diyos na siya pag nakabihis siya ng kapangyarihan at kapurihan.

At sa pangatlong tukso: BAHALA NA ANG DIYOS! Ang tawag ko dito ay bulag na pakikipagsapalaran. Tuturuan ka ng dimonyo ng maling klase ng tiwala. Iyung tipong basta ka na lang tataya o lulundag nang hindi na mag-iisip ng pagkatalo o pagkapariwara. At ang pag pinakinggan mo ang katuwiran niya parang tama pero mali: “hindi naman tayo pababayaan ng Diyos, hindi naman niya tayo matitiis. E ano kung magkasala, mapagpatawad naman siya.”

Parang ganito mangatuwiran ang mga laki sa layaw at mga walang responsibilidad sa buhay. Magwaldas, tutal, mayaman si papa. Siya ang bahala kahit ano pang kalokohan ang gawin natin. Parang tama, di ba? Pero mali. Kaya nga tayo binigyan ng talino at kakayahan para tulungan natin ang sarili at ang isa’t isa. Kahit totoong kailangang magtiwala sa Diyos, di dapat malimutan na may tiwala ang Diyos sa atin, kaya niya tayo ginawang mga katiwala sa daigdig.

Dumako naman tayo sa misyon ni Kristo: ang ibalik tayo sa katinuan, ang iligtas tayo sa kahibangan at pagkaligaw ng landas, ang ibalik ang loob natin sa Diyos. Ito ang good news. Hindi tayo likas na masama; tayo ay likas na mabuti. Bago pumasok ang original sin, mas nauna ang original blessing—na ang orihinal nating layunin ay tumulad sa oryentasyon ng Diyos. Ano ang oryentasyon na ito?

-Sa unang tukso, ang sagot niya ay maghanap ng TUNAY NA PAGKAIN: hindi lang tinapay kundi Salita ng Diyos, para mabuhay. Ito ang itinuro niyang hingin natin sa AMA NAMIN: Bigyan mo kami ng kakanin sa araw-araw. Ang pagkaing nagpalakas sa bayang Israel upang ma-survive ang 40 taon sa disyerto: hindi ang manna kundi ang Salita ng Diyos.

Ang iisang landas na ituturo sa atin ng Salita ng Diyos ay PAGIBIG, PAGMAMAHAL. Ito ang magtuturo sa atin na magparaya, magsakripisyo, magbigay na walang kapalit. Walang ibang daan patungo sa kaganapan at pagkapuno ng grasya kundi ang pagbubuhos ng sarili, lubos na pag-aalay-ng-buhay para sa kapwa, para sa minamahal. Na walang ibang direksyon patungong pagkabuhay kundi ang kalbaryo, walang daan patungong tagumpay kundi ang krus.

-Sa ikalawang tuksong magDiyos-diyosan sa pamamagitan ng kapangyarihan, ang sagot niya ay ang una sa sampung utos: DIYOS LANG ANG SASAMBAHIN. Ito ang pinaka- pundasyon ng lahat ng iba pang mga hangarin sa buhay. . Wika nga sa Ingles, FIRST THINGS FIRST. Isaayos ang mga prayoridad o dapat pahalagahan sa buhay. Higit sa lahat, hangarin muna ang kaharian ng Diyos, at ang lahat ay susunod.

-At sa panghuling tukso na magwalang-bahala, ang sagot ni Hesus ay HUWAG SUBUKIN ANG DIYOS. Hindi tama na basta na lang ipasa-Diyos ang lahat kung wala naman tayong ginagawa. Ang sagot ni Hesus sa dimonyo ay common sense. Bat ako lulundag sa bangin kung alam kong ikamamatay ko? Bakit ko pipiliin ang alam kong ikapapahamak ko o ikapapahamak ng bayan ko? Bakit ko basta isusugal o tataya ang kinabukasan ng ating bansa? Bakit ko paglalaruan ang kalooban Diyos?

Kung ang ginagawa ng Russia ngayon sa Ukraine ay gagawin sa atin ng isang world power at sasabihin ng magiging bagong presidente: magpasakop na lang tayo baka sakali umunlad pa tayo. Hindi naman tayo pababayaan ng Diyos. Sasang-ayon kaya tayo?

Ipinalilimot sa atin ni Satanas na binigyan tayo ng Diyos ng talino at kakayahan upang ating magampanan ang papel natin sa daigdig bilang katuwang ng Diyos. Gagamitin ko ang mga kakayahan ko at galing sa tama at dapat. Pananagutan ko ang buhay ko, ang kapwa ko, ang bayan ko. May tiwala ako sa Diyos na alam kong nagtitiwala din sa atin. Alam kong may awa ang Diyos, pero alam ko ring dapat ko munang gawin ang kanyang ipinagagawa bago ko iasa sa kanyang awa. Di ba kasabihan natin, NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 6,988 total views

 6,988 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 14,973 total views

 14,973 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,509 total views

 22,509 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,495 total views

 38,495 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,539 total views

 46,539 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 273 total views

 273 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,029 total views

 3,029 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,444 total views

 7,444 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,770 total views

 2,770 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,293 total views

 3,293 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,792 total views

 4,792 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,636 total views

 5,636 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,891 total views

 3,891 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,104 total views

 8,104 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,337 total views

 7,337 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,547 total views

 11,547 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,995 total views

 4,995 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,999 total views

 4,999 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,999 total views

 4,999 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,991 total views

 4,991 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top