VeritasPH

The Word, The Truth

 226 total views

1st Sunday of Lent Cycle C

Deut 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13

Ang mahahalagang pangyayari ay sinasariwa sa isang pagdiriwang, at ang pagdiriwang, upang maging makabuluhan, ay pinaghahandaan. Mahalaga ang 500th anniversary ng pagdating ng Pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas. Kaya ito ay ipinagdiriwang natin ngayong taon. Dahil sa mahalagang pagdiriwang, ipinaghanda natin ito ng 9 na taon mula pa noong 2013. Sa bawat taon binalikan natin ang mga pastoral priorities ng ating simbahan. Gayon din, taon-taon ipinagdiriwang natin ang pinakamahalagang ginawa ni Jesus para sa kaligtasan ng mundo. Siya ay nagpakasakit, namatay at muling nabuhay. Tinatawag natin itong misteryo paskal, paschal mystery. Ipinaghahanda natin ito ng apatnapung araw – ang kuwaresma – na sinimulan natin noong nakaraang Miyerkules, ang Miyerkules ng Abo. Sa loob ng mga araw na ito sinisikap natin na maging makabuluhan ang ating pagiging Kristiyano, na walang iba kundi ang ating pagtulad kay Kristo. Marami tayong gagawin sa kuwaresma pero sana hindi mawala sa ating paningin ang layunin nito, na lalo tayo maging tulad ni Kristo.

Isang bagay na nararanasan natin sa buhay ay ang tukso, na walang iba kundi mga pagsubok. Mula noong nagkaroon tayo ng malay bilang bata hanggang tayo ay mamatay tinutukso tayo. Minsan malakas ang tukso, minsan naman hindi natin ito napapansin. Ngunit hindi ito nawawala sa ating buhay.

Hindi naman masama ang tukso. Sinulat nga ni Santiago: “Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala sa buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.” Sa tukso nasusukat ang ating katapatan at nadadalisay ang ating pag-ibig sa Diyos. Pero marami ang nahuhulog sa pagsubok. Sa halip na maiangat sila, sila ay bumagsak. Paano ba natin mapagtatagumpayan ang tukso? Tingnan natin si Jesus. Siya ay tinukso din at natalo niya ang diyablo sa pakikipagtunggali sa kanya. Paano ito nagawa ni Jesus?

Si Jesus ay tinukso habang siya ay nasa disyerto pagkatapos ng pagbibinyag sa kanya. Doon si disyerto si Jesus ay nagdasal, nagnilay at nag-ayuno. Ang pagbibinyag kay Jesus ay ang simula ng kanyang public ministry. Doon sa disyerto inihanda ni Jesus ang kanyang sarili sa kanyang misyon. Panalangin, pagninilay at pag-aayuno. Iyan ang mga gawain natin ngayong panahon ng kuwaresma. Kaya ang panahong ito ay ang pananatili natin sa disyerto; ito ay parang 40-day retreat ng buong simbahan. Dahil sa panalangin at pagpepenitensiya – iyan ang ating pag-aayuno – naging malakas siya sa atake ng kaaway. Makikita natin na ang mga tukso kay Jesus ay siya ring mga tukso na dumadating sa atin.

Ang unang atake ng kaaway ay sa ating katawan, sa mga pangangailangan ng katawan. Si Jesus ay gutom dahil sa kanyang pag-aayuno. Sabi ng demonyo na Anak naman siya ng Diyos. Gamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang mapunan ang kanyang pagkagutom. Gawin niyang tinapay ang mga bato sa disyerto. Tayo rin ay natutukso dahil sa mga udyok ng katawan – tukso sa labis na pag-inom ng alak, tukso sa droga, tukso sa sex, tukso sa katamaran at katakawan. Gusto natin na masunod ang tawag ng ating laman. Ang pangbato ni Jesus ay ang Salita ng Diyos. Nasusulat, “hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat Salita na nanggaling sa Diyos.” Sundin natin, hindi ang udyok ng katawan, kundi ang udyok ng Salita ng Diyos.

Ang pangalawang tukso ay ang tukso na maging mayaman at makapangyarihan. Kaya hinamon siya ni Satanas na ibibigay daw sa kanya ang lahat ng kayamanan sa mundo kung sasamba lang siya sa kanya. Maraming tao ang natutukso din ng kayamanan at kapangyarihan. Sa harap ng pera nawawala na ang kaalaman nila kung ano ang tama at ano ang mali. Iyan ay nangyayari sa panahon ng halalan. Dahil sa pera, nagiging troll na lang, kasi malaki ang suweldo dito. Dahil sa tugtog ng pera, nangangampanya sa kandidato na hindi naman karapat-dapat. Dahil sa pera, pinagbibili ang kanyang boto. Kapag may pera nang kumikilos, hindi na iyan matuwid na tao. Magnanakaw na iyan. Maaring nagnakaw na iyan kaya marami siyang pera o magnanakaw iyan para mabawi ang ipinambili niya ng boto. Ang mga politiko naman na gustong manalo, at any cost, ay sumasayaw sa tugtog ng kapangyarihan. Ang tugon ni Jesus ay galing uli sa Banal na Bibliya: Nasusulat, “Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, at siya lang ang iyong paglilingkuran.” Ang Diyos
lang ang ating susundin at paglilingkuran.

Ang pangatlong tukso ay tukso sa kayabangan, sa pagiging sikat, tukso na maging trending, na maging viral. Sa taluktok ng templo sa Jerusalem dinala ng diyablo si Jesus at pinalulundag. At gumamit din ang demonyo ng Bibliya, kasi nasusulat: “Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka. Aalalayan ka nila upang hindi ka matisod sa bato.” Imagine kung ginawa ito ni Jesus at nakita siya ng mga tao na hindi siya na-ano. Hahangaan siya ng mga tao. Maniniwala na agad ang mga tao sa kanya. Maging madali na ang kanyang misyon. Ngunit sinabi ni Jesus na mali ang paggamit ng diyablo ng Bibliya kasi nasusulat, “Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.” Ang ibig sabihin nito, na huwag kang gagawa ng kahit na anu-anong bagay, kahit na walang kabuluhang bagay, kasi ililigtas ka naman ng Diyos. Iyan ay maling akala.

Sa lahat ng mga tukso, ang panlaban ni Jesus ay ang Salita ng Diyos. Hindi niya pinakinggan ang salita ng Diyablo kundi ang Salita ng Diyos. Kakaiba siya kay Adan at kay Eba sa jarden ng Eden. Pinakinggan nila ang salita ng ahas at hindi ang salita ang Diyos na may likha sa kanila.

Napagtagumpayan ni Jesus ang mga tukso sa kanya dahil sa panalangin, pagpenitensiya, at Banal na kasulatan. Alam ni Jesus ang gusto ng Diyos kasi alam niya ang Salita ng Diyos. Nalaman niya ang Salita ng Diyos sa pagbibigay niya ng panahon na magdasal at magnilay. Napanindigan niya ang Salita ng Diyos kasi nag-ayuno siya, may self-discipline siya.

May salita ng Diyos ngayon na sana pakinggan natin at gawin. Sa ating unang pagbasa sinabi ni Moises sa mga Hudyo na kapag sila ay nasa lupain na na ibibigay ng Diyos sa kanila at sila ay makaani na, mag-alay naman sila sa Diyos. Sasabihin nila sa pag-aalay nila na ang mga magulang nila ay mga pagala-galang dayuhan lamang, mga Arameo, naging alipin sila sa Egipto, itinawid sa disyerto at binigyan sila Diyos ng lupain na masagana. Kaya ngayon dinadala nila sa Diyos bilang handog ang mga unang bunga ng lupa. Nagbalik-handog ang mga Israelita. Kinilala nila ang kabutihan ng Diyos sa kanila at bahagi ng kanilang pagsamba sa kanya ay nagbabalik-handog sila. Binabalik nila ay ilang biyaya na tinggap nila. Ito ay salita ng Diyos. Maaari din ba natin itong sundin? Ngayong kuwaresma, maaari na rin ba tayo magbalik-handog ng ating panahon, ng ating talento at ng ating kayamanan sa Diyos? Maglaan tayo ng panahon para magdasal at magbasa ng Bibliya. Magserve tayo sa simbahan at sa ating kapwa. Magtabi tayo ng pera, bunga
ng ating pag-aayuno at pagpepenitensiya at ialay natin bilang balik-handog. Sa ganitong paraan mararanasan natin na hindi lang natin napapakinggan ang Salita ng Diyos, kundi ito ay isinasagawa rin natin. Imagine kung gagawin natin ito ng 40 days! Talagang magiging mabubuting katiwala na tayo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,462 total views

 16,462 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,507 total views

 24,507 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,587 total views

 29,587 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,293 total views

 35,293 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,081 total views

 44,081 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 774 total views

 774 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,903 total views

 6,903 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,032 total views

 5,032 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,315 total views

 7,315 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 10,221 total views

 10,221 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,160 total views

 11,160 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,154 total views

 11,154 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,872 total views

 14,872 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,718 total views

 16,718 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,715 total views

 16,715 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,224 total views

 21,224 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,540 total views

 26,540 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,698 total views

 28,698 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,856 total views

 30,856 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,205 total views

 31,205 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top