Tatlong ‘K’ hanapin sa bawat kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 336 total views

Umapela sa mga botante ang dating pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Henrietta De Villa na hanapin ang tatlong ‘K’ sa bawat kandidato.

Ito ay bilang paghahanda sa nakatakdang 2019 Midterm Elections at makapili ng mahusay na pinuno para sa bayan.

Paliwanag ni De Villa, dapat tiyakin ng mga botante ang karakter, kakayahan at katapatan ng mga kandidato para sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Giit pa ni De Villa, mahalagang malaman na mabuting tao, may kakayahan sa pamumuno at matapat sa kanyang mga bibitawang mga pangako ang mga maluluklok na opisyal ng gobyerno.

“I-proseso niyo po yung pagpili sa inyong kandidato na sila ay atleast merong tatlong ‘K’; Karakter – kasi kailangan malaman natin kung anong pagkatao nila kasi hindi mo maitatago yun, lalabas at lalabas kung ano yung ugali ng kandidato; pangalawa po na sila ay may Kakayanan–kung tumatakbo sila bilang senador may kakayanan ba sila, may sapat na kakayanan para maging mabuting senador; pangatlo, Katapatan–kailangan yung katapatan ng mga kandidato suriin natin, kilatisin natin, sila ba ay tapat sa mga pangakong ibinigay nila,” ang bahagi ng pahayag De Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng ipinalala ni De Villa ang hinahangad ng Simbahan na maging matalino ang bawat botante sa pagboto para sa halalan.

Sa tala ng Commission on Elections o COMELEC, umabot sa 152 ang naghain ng COC para sa pagka-Senador habang umabot naman sa 185 ang naghain ng Certificates of Nomination and Certificates of Acceptance of Nomination upang maging kinatawan ng iba’t ibang Partylist.

Ang PPCRV ay itinatag matapos ang isinagawang Second Plenary Council of the Philippines para sa pagpapatupad ng reporma sa halalan sa bansa.

Opisyal na inilunsad PPCRV noong October 1991 na layuning maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 116,639 total views

 116,639 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 116,639 total views

 116,639 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 116,639 total views

 116,639 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 113,216 total views

 113,216 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 103,330 total views

 103,330 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top