Taumbayan, hinimok na makiisa kontra climate change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total reads

Hinimok ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, chairman ng Climate Change Congress of the Philippines ang mga mananampalataya na gumawa ng paraan upang makatulong sa pagbabago sa panganib na dulot ng Climate Change.

Ayon sa Arsobispo, mahalagang maunawaan at magkaroon ng impormasyon ang publiko kung paanong mapipigilan ang paglala ng greenhouse gas emission na nagdudulot ng pag-init ng mundo.

“Kailangang-kailangan ito sa lahat ng mga bansa na maka-unawa sila at makatulong din sa pag-minimize ng climate change effects natin ngayon,” pahayag ni Abp. Ledesma sa Radyo Veritas.

Bukod dito, pinapahanda din ni Abp. Ledesma ang Pilipinas bilang bansang nabibilang sa Pacific Typhoon Belt at gumawa ng mga paraan upang maibsan ang kasalukuyang sitwasyon na dulot ng pagbabago ng klima.

“Dito sa Pilipinas nagkaroon na tayo ng mga malakas na typhoon at ito’y mukhang resulta na rin ng climate change so para sa atin, kailangang-kailangan na mauunawaan natin yung mga panganib na dala ng climate change, at tutulong din tayo sa pagbabago ng sitwasyon ngayon,” himok ng Arsobispo.

Nitong ika-11 ng Hulyo, kabilang sa mga binigyang pansin sa Cabinet meeting ng Duterte Administration ang National Disaster Risk Reduction.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pabibilisin ng pamahalaan ang pagresponde ng mga security personnel at health workers sa mga lugar na sinalanta, at maglalaan ito ng mas mainam na relocation site para sa mga residenteng nasa flood prone areas.

Batay sa 2015 World Risk Report, sa buong mundo ay pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang pinaka naaapektuhan ng climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 31,276 total reads

 31,276 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 111,226 total reads

 111,226 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 205,452 total reads

 205,452 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 265,942 total reads

 265,942 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 278,326 total reads

 278,326 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,836 total reads

 374,836 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top