Mga isla sa West Philippine Sea, tunay na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,360 total reads

Itinuturing na malaking tagumpay ni Rev.Father Edu Gariguez, Executive secretary ng Caritas Philippines ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands pabor sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China hinggil sa Maritime Entitlement ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Inihayag ni Father Gariguez na ang naturang desisyon ay nagpapatibay sa matagal ng isinusulong na karapatan at pagmamay-ari ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea na pinipilit angkinin ng China.

“Sa bahagi natin, sa Simbahan at ganun din sa ating opisina sa paglilingkod sa mas mahihirap, tayo ay natutuwa sa lumabas na desisyon na ito, ibig sabihin hindi na pinag-aagawan kumbaga malinaw na yung desisyon na ito talaga ay pagmamay-ari ng Pilipinas at tayo ay natutuwa at isang malaking tagumpay ito pinasasalamatan din natin yung mga naging bahagi nitong proseso ng ating pagdedipensa ng ating teritoryo at ito’y pangunahin sa mga nakaraang pamahalaan,” pahayag ni Father Gariguez sa Radio Veritas.

Inihayag ng pari na isa rin itong hamon para sa kasalukuyang adminitrasyon upang ipagpatuloy ang nasimulang laban para sa soberenya ng Pilipinas sa kabila nang mga nauna ng pahayag ng China na hindi pagkilala sa naturang desisyon ng International Arbitral Court.

Paliwanag ng Pari, hindi lamang usapin ng soberenya ang isinusulong ng Pilipinas hinggil sa Maritime Entitlement sa West Philippine Sea, kundi maging ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipinong mangingisda na makapaglayag sa karagatang pagmamay-ari ng bansa.

Unang naitala ng National Statistical Coordination Board noong 2009, na ang sektor ng mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty rate sa bansa na umabot sa 41.4-na-porsyento habang tinataya namang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal na dumaraan sa naturang karagatan mula sa iba’t ibang bansa kada taon. Samantala, ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,233 total reads

 15,233 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 78,093 total reads

 78,093 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 114,881 total reads

 114,881 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 145,680 total reads

 145,680 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 195,426 total reads

 195,426 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,025 total reads

 257,025 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top