Tema ng 461st Fiesta Señor: “In Santo Niño We Are One”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,734 total views

Isinapubliko ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu ang opisyal na tema ng 461st Fiesta Señor na gaganapin sa Enero 2026 — “In Santo Niño We Are One.”
Ayon sa pamunuan ng basilica, ang tema ay panawagan ng simbahan para sa pagkakaisa kay Kristo, alinsunod sa adhikain ng simbahang sinodal o sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.
“This call for oneness is especially urgent today. In the context of the Church’s synodal journey, the recent election of Pope Leo XIV, and ongoing human conflicts, the Fiesta Señor is a proclamation of peace in the name of Jesus Christ, the Prince of Peace,” ayon sa pahayag ng basilica.
Binigyang-diin ng simbahan na ang pagdiriwang ay higit pa sa tradisyon—ito ay isang panawagan sa mga deboto ng Batang Hesus na isabuhay ang kapayapaan, kabutihan, at pagkakawanggawa.
“It is through the loving gaze of the Infant King that devotees are drawn to the one God who is Love, fostering hope for peace and unity within the Christian community and the world,” dagdag ng basilica.
Bilang bahagi ng paghahanda, magsasagawa ng pagbisita ang pilgrim image ng Santo Niño de Cebu sa mga piling simbahan sa lungsod at karatig-parokya sa Disyembre 27 at 28.
Kabilang sa mga bibisitahin ang John the Baptist Parish sa Sudlon 1, Birhen sa Gudalupe sa Sugbo Parish sa Babag II, Sto. Niño Parish sa Cebu City, at San Pedro Calungsod Parish sa Pulangbato.
Mula Enero 3 hanggang 7, 2026, dadalhin naman ang imahe ng Batang Hesus sa mga penitentiary centers at ospital bilang bahagi ng pastoral outreach program ng basilica.
Narito ang mga pangunahing aktibidad ng kapistahan:
•Enero 8: Opening Salvo at pagsisimula ng Novena Masses (hanggang Enero 18)
•Enero 15–16: Traslacion
•Enero 17: Vísperas na may fluvial parade, reenactment, solemn foot procession, at tradisyonal na Sinulog
•Enero 18: Araw ng Kapistahan ng Batang Hesus
Ang Fiesta Señor ay kinikilala bilang isa sa pinakamalaking relihiyosong pagdiriwang sa bansa, na taunang dinarayo ng milyun-milyong deboto at turista mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ng daigdig.
Sa temang “In Santo Niño We Are One,” hangarin ng simbahan na maging pista ng pagkakaisa at kapayapaan, isang paalala sa lahat ng mananampalataya na “pursue what makes for peace and mutual upbuilding” (Roma 14:19).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 11,421 total views

 11,421 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 32,696 total views

 32,696 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 206,234 total views

 206,234 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 227,685 total views

 227,685 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top