Paglilinaw ng Laiko: Hindi kasali ang mga laykong Katoliko sa 3-day rally ngayong Nobyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,009 total reads

Nilinaw ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) na hindi kasali ang mga laykong Katoliko sa nakatakdang rally sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.

Ayon sa LAIKO, wala silang kinalaman sa anumang panawagan o pagkilos na may kaugnayan sa nasabing pagtitipon. Binigyang-diin ng grupo na mananatili itong tapat sa adhikain ng Simbahang Katolika na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagtalima sa tamang proseso ng katarungan sa lipunan.

“We are NOT part of the rally this November 16 to 18. The Catholic Laity will NOT participate in the said rally, and will NOT join in any call made in said rally,” bahagi ng opisyal na pahayag ng LAIKO.

Kasabay nito, muling ipinaalala ng LAIKO ang mensahe ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David noong Nobyembre 5, 2025, na nananawagan ng mapayapang pagkilos, pagkakaisa, at pagtalima sa batas.

Ayon sa mensahe ni Cardinal David, “We must choose the path of non-violence, constitutional order, and peaceful democratic participation. We firmly reject extra-constitutional shortcuts or calls to political adventurism. Our strength as a nation lies in our unity, our love for life, and our resolve to walk the hard path of truth, justice, transparency, and peace, through the democratic institutions we have struggled to build.”

Dagdag pa ng LAIKO, ang tunay na lakas ng bansa ay nakasalalay sa pagmamahalan, katotohanan, katarungan, at kapayapaan, na isinusulong sa ilalim ng demokratikong proseso.

Samantala, nanawagan din ang LAIKO sa lahat ng mananampalatayang Katoliko na manatiling mapayapa, magkaisa sa panalangin, at maging ilaw ng katotohanan sa gitna ng kaguluhan at maling impormasyon na kumakalat sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 80,128 total reads

 80,128 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 127,683 total reads

 127,683 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 175,554 total reads

 175,554 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 279,502 total reads

 279,502 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 361,886 total reads

 361,886 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top