Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Novaliches, hinikayat ang kabataan na makiisa sa Diocesan Youth Day 2025

SHARE THE TRUTH

 34,183 total views

Inaanyayahan ng Commission on Youth (COY) ng Diocese of Novaliches ang lahat ng kabataan na makibahagi sa Diocesan Youth Day 2025 at sa pagtatapos ng Jubilee Year of Hope for the Youth ng diyosesis.
Gaganapin ang pagtitipon sa Nobyembre 15, 2025 (Sabado) sa mga itinalagang pueblos o host parishes sa North Caloocan at sa Caloocan Sports Complex, sa temang “Tinig: Ang Tunay na Pag-asa ay Hindi Tahimik.”
Ayon kay Fr. John Harvey Bagos, Priest Coordinator ng COY Novaliches, layunin ng programa na pag-alabin ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit ng mga kabataan sa lipunan.
“Sama-sama tayo bilang isang komunidad na nakikilakbay sa mga kabataan upang magdiwang, mamulat, makiisa, at higit sa lahat, maging tinig na nagbibigay pa ng lubusang pag-asa,” pahayag ni Fr. Bagos sa panayam ng Radyo Veritas.
Tinatayang 2,500 hanggang 3,000 kabataan mula sa mga parokya, campus ministries, at transparochial movements sa buong diyosesis ang inaasahang dadalo.
Tatlong Bahagi ng Programa
Ibinahagi ni Fr. Bagos na hahatiin ang pagtitipon sa tatlong yugto: Pagmulat, Pagmamartsa, at Pag-alab.
•Pagmulat (8:30–11:30 a.m.) – Gaganapin sa apat na pueblo ang mga social conferences at morning workshops hinggil sa mahahalagang isyung kinakaharap ng kabataan.
•Pueblo ng Pamamahala: Sto. Niño de Congreso Parish (paksa: Nationalism)
•Pueblo ng Paghilom: Our Lady of Guadalupe Parish (paksa: Mental Health)
•Pueblo ng Pangangalaga: Resurrection of Our Lord Parish at Sto. Niño de Bagong Silang Parish (paksa: Ecology)
“Kaya namin pinili itong mga topic na ito dahil naniniwala tayo na ito ang mga usaping dapat pagtuunan ng pansin. Bilang mga kabataan, dapat tayong maging aktibong ‘pilgrims of hope’ na tumutugon sa mga hamon ng panahon,” paliwanag ni Fr. Bagos.
•Pagmamartsa (Parade of Hope) – Susundan ito ng prayer walk mula Sto. Niño de Congreso Parish patungong Caloocan Sports Complex, tampok ang imahen ni Inang Desay (Our Lady of Untier of Knots), ang Youth Cross, at ang Jubilee Year Cross ng diyosesis. Magsusuot ang mga kabataan ng puting kasuotan bilang sagisag ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa.
•Pag-alab (Main Program at Closing Mass) – Gaganapin sa Caloocan Sports Complex, pangungunahan ni Bishop Roberto Gaa ng Diocese of Novaliches. Tampok dito ang Vocation Portion ng Commission on Vocation, pagbabahagi ng mga resulta ng workshops, Pledge of Commitment, at Praise Fest na pamumunuan ng Missionary Families for Christ (MFC), Live Pure Movement, at iba pang youth groups.
“Ang ating Diocesan Youth Day ay hindi lamang pagdiriwang kundi isang panawagan — na ang tinig ng kabataan ay dapat marinig, sapagkat ang tunay na pag-asa ay hindi kailanman tahimik,” pagtatapos ni Fr. Bagos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 13,009 total views

 13,009 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 29,181 total views

 29,181 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 68,892 total views

 68,892 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 129,403 total views

 129,403 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 141,695 total views

 141,695 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 7,402 total views

 7,402 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 33,622 total views

 33,622 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top