VeritasPH

The Word, The Truth

The truth will set you free!

SHARE THE TRUTH

 157 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang pinakabagong apostolic exhortation na pinamagatang Christus vivit (o Christ is alive), may dismayadong pahayag si Pope Francis tungkol sa bumababang halaga ng katotohanan sa mundong pinatatakbo ng makabagong teknolohiya at paraan ng komunikasyon. Sabi ng Santo Papa: “Sinasalamin ng paglaganap ngayon ng fake news ang isang kulturang wala nang pagpapahalaga sa kung ano ang totoo at ang pagbabaluktot sa katotohanan para sa partikular na interes.” Ikinababahala rin niya ang malawak na epekto ng tinatawag nating digital world. Aniya, may malalaking pang-ekonomikong interes sa digital world na kayang kontrolin ang mga bagay-bagay nang hindi natin nakikita ngunit nananalakay upang manipulahin ang ating konsiyensya at ang mga demokratikong proseso.”

Dito sa Pilipinas, kitang-kita natin kung gaano kalaganap ang fake news lalo na sa Facebook. Layon ng mga nagpapakalat ng fake news na lituhin ang mga nagbabasa upang paniwalaan ang mali. Ang mas masama pa, ginagamit ang fake news upang galitin ang mga tao at kamuhian at husgahan nila ang isa’t isa. Kaya naman, matapos ang masusing pagsusuri sa napakaraming accounts, sang-ayon na rin sa cybersecurity policy ng kompanya, tinanggal ng Facebook ang mahigit 200 na pages, groups, at accounts dito sa Pilipinas dahil sa tinatawag na “coordinated inauthentic behavior” o kahinahinalang mga gawain, kabilang ang pagkukuntsabahan sa paggawa ng mga fake accounts. Ginagamit ang mga fake accounts na ito sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon at kasinungalingan, and lumitaw na karamihan sa mga ito ay propaganda ng administrasyong Duterte.

Nakalulungkot na maraming tao ang nabibiktima ng fake news dahil may kagat, ‘ika nga, ang mga ito sa mga negatibong emosyong katulad ng takot, pagkabahala, at galit. Nagiging epektibo ang mga ito dahil mukha silang totoong balita kahit na maling datos o hindi totoong impormasyon ang ginagamit ng mga ito. Mas nagmumukhang makatotohanan pa ang mga huwad na balitang ito dahil sinasamahan ng mga imahe o pictures na halata namang dinuktor. Maraming nabibiktima dahil maraming hindi mapanuri.

Maliban sa fake news, ikinababahala rin ni Pope Francis ang pagsasantabi ng kasalukuyang henerasyon sa kanilang kasaysayan. Katumbas ito ng tinututulan natin dito sa Pilipinas na “historical revisionism” o ang pagbabago ng paliwanag sa mga naganap sa kasaysayan. Para kay Pope Francis, ang sabihin sa mga kabataang kalimutan ang kasaysayan ay pagdadala sa kanila sa panganib ng bulag na pagsunod sa kung anumang sabihin sa kanila. Ginagamit ito ng mga populistang lider at kanilang mga tagasuporta upang papaniwalain ang mga mamamayan sa ibang bersyon ng kasaysayan para sa makasariling interes at kapakinabangan ng mga nasa kapangyarihan.

Mga Kapanalig, huwag tayong maging instrumento ng pagpapakalat ng fake news at historical revisionism, lalo na ngayong panahon ng eleksyon. Nagkalat ang kung anu-anong huwad na impormasyon at gawa-gawang kuwento tungkol sa mga kandidato upang pabanguhin ang kanilang pangalan sa publiko o siraan ang kanilang mga kalaban. Maging mapagkilatis at mapanuri tayo sa mga balitang ating binabasa at ibinabahagi sa iba lalo na sa pamamagitan ng Facebook. Responsibilidad nating alamin ang pinagmulan ng mga impormasyong ating natatanggap, ikinukuwento, at ibinabahagi sa social media nang hindi tayo maging bahagi ng panlilinlang at pagsisinungaling, mga bagay na lumalabag sa karapatan sa katotohanan ng ating kapwa. ‘Ika nga, “think before you click.

Bilang mga Kristiyanong naniniwala kay Kristo na siyang “Daan, ang Katotohanan at ang Buhay,” lagi nating panigan at ipaglaban ang tama at ang totoo. Kung alam nating mali ang ating nababasa sa Facebook, huwag na natin iyong ipakalat at tanungin kung ano ang batayan ng kuwentong ating nababasa. Sabi nga sa Juan 8:32, “The truth will set you free!” Ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,269 total views

 10,269 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,254 total views

 18,254 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,790 total views

 25,790 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,775 total views

 41,775 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,819 total views

 49,819 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 10,270 total views

 10,270 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 18,255 total views

 18,255 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,791 total views

 25,791 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,776 total views

 41,776 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,820 total views

 49,820 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,875 total views

 45,875 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,300 total views

 44,300 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,086 total views

 46,086 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,011 total views

 43,011 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,325 total views

 57,325 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,015 total views

 61,015 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,618 total views

 59,618 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,605 total views

 69,605 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,573 total views

 73,573 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,460 total views

 84,460 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top