Tools for Building Lasting Peace.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Iginiit ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pakikipagdiyalogo sa iba’t ibang henerasyon upang matamo ang pagkakaisa tungo sa pangmatagalang kapayapaan ng pamayanan.

“Nagpapatuloy ang panaghoy ng mga dukha at ang panaghoy ng kalikasan. Ang mga hamon na hinaharap ng ating lipunan ay nangangailangan ng dialogue ng mga matatanda at mga kabataan. Ang mga matatanda ang ingat-alaala ng ating mga pamilya at pamayanan. Ang mga kabataan naman ang kasalukuyang nagpapatakbo ng kasaysayan,” ani ng cardinal.

Binigyang diin ng arsobispo ang tatlong mahalagang sangkap sa pagkakamit ng kapayapaan na ibinahagi ni Pope Francis ang diyalogo, edukasyon at marangal na hanapbuhay ng mamamayan.

Batid ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng edukasyon na pangunahing paraan ng pagtataguyod sa pangkabuuang paglago ng tao kung saan tinutulungan ang kabataan na maging malaya at matutuhan ang pananagutan sa kapwa.

Ang maayos na edukasyon ay saligan ng isang lipunan na sumisibol ang pag-asa, pag-unlad at kasaganaan,” giit ng arsobispo.

Bukod dito kinilala rin ni Cardinal Advincula ang marangal na hanapbuhay kung saan naibabahagi ng tao ang kaalaman at kakayahan tungo sa pag-unlad ng pamayanan kaya’t nararapat na isulong ang karapatan at kalayaan sa paggawa.

Sa huli hinikayat ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na bumaling sa Diyos upang makamtan ang tunay na kapayapaan at kaunlaran tungo sa maginhawa at makatarungang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top