Trabaho Para sa Bayan Act

SHARE THE TRUTH

 972 total views

Mga Kapanalig, ang dignidad ng paggawa at ang karapatan ng mga manggagawa ay isa sa mga pinahahalagahan ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ang paggawa—o pagtatrabaho—ay higit sa pagkakaroon ng hanapbuhay para mabuhay. Sa pagtatrabaho, tayong mga tao ay nakikilahok sa patuloy na paglikha ng Diyos. Pinagpapala ng Diyos ang ating paggawa nang maibahagi natin sa iba ang mga bunga nito, ayon nga sa Deuteronomio 14:29. Kaakibat ng pagtataguyod sa dignidad ng paggawa ang paggalang sa karapatan ng mga manggagawa—ang karapatang magkaroon ng trabaho, makatanggap ng disente at sapat na sahod, at magkaroon ng pribadong pag-aari.

Sa maraming aspeto, ang dignidad sa paggawa sa Pilipinas ay hindi laging naitataguyod. Sa opisyal na datos ng pamahalaan, nasa 2.27 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hulyo 2023. Katumbas ito ng unemployment rate na 4.8%, mas mataas sa 4.5% noong Hunyo. Mas mababa naman ito kumpara noong kaparehong buwan noong isang taon. Itunuturong sanhi ng mataas na unemployment rate ang mas mabagal na economic activity sa ating bansa. 

Ngunit ang interesanteng datos tungkol sa paggawa sa Pilipinas ay ang tungkol sa underemployment. Itinuturing na underemployed ang isang manggagawa kapag may trabaho nga siya pero gusto pa rin niyang madagdagan ang oras ng kanyang pagtatrabaho para sa dagdag na bayad. Underemployed din ang mga manggagawang gustong magkaroon ng karagdagang trabaho o sideline, sa madaling salita. 

Ang mataas na underemployment rate ay sinasabing patunay na bumababa ang kalidad ng trabaho (o job quality) sa isang bansa. Noong Hulyo 2023, nasa 15.9% ng mga manggagawang Pilipino ang nagsabing sila ay underemployed. Mas mataas ito sa 12% noong Hunyo at sa 13.8% noong Hulyo ng nakaraang taon. Ang 15.9% na underemployment rate ay katumbas ng 7.1 milyong underemployed na Pilipino. Tumaas nga raw ang tinatawag na invisible underemployment rate; ibig sabihin, mas maraming Pilipino ang nagbabanat ng buto nang 40 oras o higit pa sa isang linggo, pero gusto pa nilang magtrabaho pa nang mas matagal para sa dagdag na kita. 

Ang kawalan at kakulangan ng trabaho sa ating bansa ang nais tugunan ng administrasyong Marcos Jr sa pamamagitan ng Trabaho Para sa Bayan Act. Pinirmahan ito ng pangulo bago matapos ang Setyembre. Bubuuin ng batas na ito ang Trabaho Para Sa Bayan Inter-Agency Council na gagawa ng isang national employment master plan. Nakapaloob daw sa planong ito ang mga hakbang na susuporta sa mga micro-, small-, and medium-sized enterprises (o MSMEs). Magkakaroon din ng mga programang magpapahusay o magpapataas sa kasanayan ng mga manggagawa o ang tinatawag na upskilling upang makahanap sila ng ibang trabahong humihingi ng mga bagong kasanayan. Maglalatag din ang master plan ng mga hakbang na magbibigay ng insentibo sa mga employers, lilikha ng trabaho para sa kabataan, at tutulong sa mga OFWs na bumabalik sa bansa. Hindi lang sana sa papel ang magagandang layunin ng bagong batas na ito.

Mga Kapanalig, kumplikadong problema ang kawalan at kakulangan ng trabaho. Sanga-sanga ang mga dahilan kung bakit maraming hindi makahanap ng trabaho at kung bakit nakukulangan ang mga manggagawa sa trabahong mayroon sila. Lubhang mababa ang sahod sa ating bansa gayong napakataas naman ng gastusin natin dahil sa mahal ng mga bilihin at serbisyo. Ang kalidad ng edukasyon ay hindi nakalilikha ng mga manggagawang may mga akmang kasanayan. Ang mga trabahong nangangailangan ng mga manggagawa ay iyong mga hindi nagpapasahod nang regular at sapat. Sa madaling salita, ang uri ng ekonomiyang mayroon tayo ay hindi naglilingkod sa tao. Ito ang pinakamalaki nating problema. Ito ang katotohanang dapat pagnilayan at pagsumikapang tugunan ng ating pamahalaan kung seryoso ito sa pagbibigay ng trabaho para sa bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 4,713 total views

 4,713 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »

Proteksyon para sa mga magsasaka

 12,221 total views

 12,221 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »

Panagutin ang dapat panagutin

 23,342 total views

 23,342 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Patatagin ang Pamilya

 45,334 total views

 45,334 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Catechesis on Old Age

 54,431 total views

 54,431 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 4,714 total views

 4,714 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 12,222 total views

 12,222 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 23,343 total views

 23,343 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 45,335 total views

 45,335 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catechesis on Old Age

 54,432 total views

 54,432 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtanda ng ating Populasyon

 62,389 total views

 62,389 total views Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada. Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalayaan mula sa pang-aapi

 63,404 total views

 63,404 total views Mga Kapanalig, Happy Independence Day! Mahigit isandaang taon na mula nang nakalaya ang Pilipinas mula sa pagsakop ng mga Kastila. Halos walumpung taon na rin nang tayo ay tuluyang naging bansa na malaya mula sa pagkakagapos ng mga banyaga. Pero taun-taon, tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan, lagi nating itinatanong: masasabi ba nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silent pandemic

 68,405 total views

 68,405 total views Mga Kapanalig, napapansin ba ninyong dumarami ang kabataang nagve-vape o gumagamit ng e-cigarette? Silent pandemic na nga raw ito para sa Department of Education (o DepEd). Ayon sa Global Youth Tobacco Survey noong 2019, 14% ng mga Pilipinong edad 13 hanggang 15 ay gumagamit ng e-cigarette. Katumbas ito ng halos isang milyong kabataan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan at ang ating hinaharap

 54,101 total views

 54,101 total views Mga Kapanalig, sa pamamagitan ng Proclamation No. 237 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1988, itinalaga ang buwan ng Hunyo bilang Philippine Environment Month. Layunin nitong itaas ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan at hikayatin tayong magsama-samang kumilos upang pigilan ang pagkasira nito. Ang tema ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Universal Health Care Law

 73,866 total views

 73,866 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2024 Job Losses

 87,432 total views

 87,432 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baka makalusot

 83,037 total views

 83,037 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Banta ng red-tagging

 80,750 total views

 80,750 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 85,005 total views

 85,005 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rigodon sa Senado

 37,491 total views

 37,491 total views Mga Kapanalig, tila drama ang nangyaring rigodon sa Senado dalawang araw bago matapos ang second regular session ng 19th Congress.  Bumaba sa pagiging Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri. Pinalitan siya ni Senador Francis Escudero. Hinala ni Senador Zubiri, nabigo raw siyang sundin ang ipinagagawa ng mga nasa itaas o ang “powers

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top