VeritasPH

The Word, The Truth

 420 total views

Homily for the Feast of the Epiphany, 08 January 2023, Mt 2:1-12

Ang title ng homily na ito ay TRIP TO BETHLEHEM. Ito ang mungkahi kong ipalit sa kasuklam-suklam na larong TRIP TO JERUSALEM. Ito ang isa sa mga madalas gawing fun games sa mga Christmas party. Ewan ko ba kung sino ang umimbento sa “fun game” na ito. “It’s not fun at all.”

Kung sampu ang naglalaro, laging kulang ng isa ang mga upuan na nakapaikot nang pabilog. Pinasasayaw na lumalakad ang mga contestants paikot sa mga upuan habang tumutugtog ang isang kanta. Kailangan listo sila dahil kapag biglang huminto ang kanta, dapat uupo sila. E kulang nga ng isang ang mga upuan so, ano ang mangyayari sa hindi makaupo? Edi talo.

Ang sikreto ng pagpanalo sa larong ito ay simple lang: husay sa pakikipag-unahan, tulakan, o agawan ng puwesto. Kung minsan nga kailangan pang ulitin ang isang ikot kapag dalawa ang napaupo sa iisang silya at tagkakalahati ng puwit nila ang nakapuwesto. Ano bang “values” ang pino-promote ng kasuklam-suklam na larong ito? Ang pinakamagaling sa tulakan at agawan ng pwesto, iyon ang panalo. Iyon ang dapat iluklok sa trono.

Palagay ko kaya tinawag na Trip to Jerusalem ang larong ito ay dahil ang pinagkuhanan ng inspirasyon ay ang kuwento ni Herodes ng Jerusalem sa ebanghelyong binasa natin ngayon. Parang gustong paikutin ni Herodes ang mga bisitang Mago dahil sa takot na maagawan siya ng puwesto ng kapangyarihan.

Ang sabi ni San Mateo nagambala daw o naligalig ang buong Jerusalem dahil sa pagdalaw ng Tatlong Mago o Pantas na taga-silangan. Palagay ko sinadyang laruin ni San Mateo sa kuwento ang pangalan ng siyudad ng JERUSALEM. Galing kasi ito sa salitang Hebreong YERUSHALAIM (‘IR—siyudad; SHALOM—Kapayapaan), ibig sabihin “City of Peace” (Siyudad ng Kapayapaan). Naistorbo ang kapayapaan ng buong siyudad nang dumating ang mga bisita.

Parang nagpapatawa si Mateo, “wise men” o pantas pa mandin ang tawag niya sa tatlo. Mukhang hindi sila ganoon katalino. Sa lahat ba naman ng puwedeng tanungin, si Herodes pa ang tinanong! Nagkamali sila. Nilagay pa tuloy nila sa panganib ang hinahanap nila. At kung i-fast forward natin ang kuwento, ang pagkakamaling ito ang magbubunsod sa malagim na pagpapapatay ni Herodes sa mga “Niños Inocentes” ng Bethlehem.

Pero siyempre, hindi naman natin sila masisi. Wala pa kasing Waze o GPS applications noon na magbibigay sa kanila ng direksyon at magsasabing “You have arrived at your destination.” Kaya sila tinawag na Mago ay dahil marunong daw silang bumasa ng posisyon ng mga bituin sa paglalakbay nila. Big deal na iyon noon, high tech na, kumbaga. Siyempre kung mga bituin sa langit ang nagsisilbing compass nila, edi paano na lang sila kapag maulap o makulimlim at hindi makita ang mga tala? Kung sa Maynila sila napadpad e baka lalo silang naligaw dahil laging natatakpan ng usok ng polusyon ang langit dito sa Kamaynilaan.

Kahit naman Waze o GPS pumapalpak din, di ba? Lalo na kapag namali ka ng liko kahit mayroon nang itinerary si Waze. Siyempre, binago mo kaya magri-recalculate siya. Kapag nagkataong wala pa namang wifi o mahina ang cellular data, patay kang bata ka, maliligaw ka talaga!

Hindi ko rin masisi ang tatlong bisita na sa dami ng pwedeng pagtanungan ay si Herodes pa ang pinagtanungan. Siyempre, “bagong silang (daw) na hari ng mga Hudyo” ang hinahanap nila. Saan pa sila maghahanap ng hari kundi sa palasyo? Kanino nila aasaha na isilang ang isang bagong hari kundi sa pamilya ng mga hari? Iyan ang hirap kapag sumunod lang tayo sa nakasanayan. Saka pa lang nila talaga malalaman na ang hinahanap nila ay kakaibang klaseng hari; hindi sa palasyo nakatira. Tinik ang ikokorona sa kanya, krus ang magiging trono niya. Mga anghel na walang baril ang mga sundalo niya. Kaya siguro sa dulo ng kuwento sabi ni San Mateo nag-iba sila ng direksyon pauwi.

Dito sa mundo, ang mga mahilig maglaro ng TRIP TO JERUSALEM ay mga tipo ni Herodes. Mga haring medyo may topak katulad niya. Alam ng mga taga-Jerusalem, kapag naligalig si Herodes maliligalig din ang buong bansa dahil alam nila may mamamatay na naman. Ang “insecure” at “narcissistic” na haring ito ang champion ng “Trip to Jerusalem”. May track record siya sa pagpatay sa kanyang itinuturing na mga kaaway, mga tipong kaagaw niya sa trono o sa puwesto, o mga tipong kumukwestyon sa kanyang otoridad. Kaya kapalpakan talaga na siya pa ang natanong ng mga bisita.

Ayon sa kuwento ng mga historians, kapag may narinig daw na kuwento si Herodes, kahit tsismis lang na inaagawan siya ng puwesto, walang anak-anak sa kanya; walang asa-asawa, o kapatid, o biyenan o kaibigan. Lahat daw pinapapatay niya kaagad, para mawalan siya ng kaagaw sa upuan. Walang-pami-pamilya sa kanya—eksperto nga kasi siya ng trip to Jerusalem. Unahan, tulakan, agawan ang alam niya—lahat ng paraan na nakasisira ng pamilya.

Kapag walang natutuhan ang mga bata at kabataan na pahalagahan kundi ang “survival of the fittest” o matira ang matibay, kapag walang alam laruin kundi trip to Jerusalem at nasanay sa gulangan, talagang hindi sila matututong bumuo ng pamilya.

Sabi ni San Mateo, mga punong pari at eskriba daw ang kinunsulta ni Herodes at nagbasa pa ang mga ito sa Bibliya para mabigyan ng tamang direksyon ang tatlong bisita. Hindi pala Jerusalem ang destinasyon nila kundi Bethlehem. Salamat na lang at lumitaw muli ang star o nagka-signal muli si waze at nakapag-recalculate. Doon pala sa Bethlehem nila matatagpuan ang Sagrada Pamilya, ang pamilyang hinahanap nila, ang bagong silang na hari na hindi sa palasyo nakatira.

Ito ang pamilyang magiging parang bato-balani na hihigop sa lahat ng bansa sa buong daigdig. Ang pamilyang kahit ni-reject at ayaw patuluyin, ang pamilyang pinagtulakan sa mga laylayan ng lipunan, sila pala ang pamilyang hinahanap ng mga pantas. Ang star pala ng langit ay bumaba sa lupa at siya mismo ang papapel bilang gabay, bilang waze ng sangkatauhan para makita ang tamang direksyon tungo sa siyudad ng kapayapaan. Doon pala nila sa Bethlehem makikilala ang Anak ng Diyos na naging kapamilya ng Tao, upang ang lahat ng tao ay maging kapamilya ng Diyos.

Hindi laro ito kundi totoong buhay. Hindi agawan, tulakan o gulangan ang ituturo ng Trip to Bethlehem. Sa Trip to Bethlehem, hindi mo kailangang mang-agaw ng upuan. Mas panalo ka kapag nagbigay ka ng upuan. Kung gusto mong unawain ka, umunawa ka; kung gusto mong patawarin ka, magpatawad ka. Kung gusto mong bigyan ka, magbigay ka. Kung gusto mong mahalin ka, magmahal ka. Kung gusto mong mabuhay, pag-aralan mong mag-alay ng buhay katulad ng ginawa ng Star of Bethlehem na nagdusa, namatay at muling nabuhay sa Jerusalem para maghatid ng tunay na kapayapaan sa buong daigdig.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,067 total views

 11,067 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,052 total views

 19,052 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,588 total views

 26,588 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,573 total views

 42,573 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,617 total views

 50,617 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 346 total views

 346 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,101 total views

 3,101 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,516 total views

 7,516 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,842 total views

 2,842 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,365 total views

 3,365 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,864 total views

 4,864 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,708 total views

 5,708 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,963 total views

 3,963 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,176 total views

 8,176 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,409 total views

 7,409 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,619 total views

 11,619 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,067 total views

 5,067 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,071 total views

 5,071 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,071 total views

 5,071 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,063 total views

 5,063 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top