Tularan ang halimbawa ni San Roque, panawagan ni Cebu Archbishop designate Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,081 total views

Sa kapistahan ni San Roque, hinimok ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang mananampalataya na tularan ang halimbawa ng pintakasi laban sa salot sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa maysakit at naghihingalo.

Sinabi ng obispo na mahalaga ang pakikilakbay sa mga may karamdaman upang maipadama ang diwa ng pagkalinga at pakikiisa.

“St. Roque did not avoid plague-stricken cities—he entered them. His example calls for a presence ministry that offers comfort and hope simply by being there,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng Arsobispo ang limang aral mula sa buhay ng santo: habag na lumalapit sa nagdurusa, paglilingkod na hindi naghahanap ng papuri, pananampalatayang nagbibigay-lakas sa gitna ng sakit, pagkakita kay Kristo sa maysakit, at pagbibigay ng pag-asa ng buhay na walang hanggan.

“In a culture that often values service by the applause it gets, St. Roque teaches us to serve quietly, focusing on the dignity of the person rather than on public approval,” dagdag ng obispo.

Iginiit ng archbishop designate na ang ministeryo sa maysakit ay hindi lamang simpleng serbisyong panlipunan kundi higit na paglilingkod sa kapwa.

“Ministry to the sick is not simply a social service—it is a sacred encounter with Christ Himself,” aniya.

Sa kasalukuyang panahon na marami ang natatakot sa kamatayan, binigyang-diin ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagdadala ng pag-asa.

“In a time when many fear death, ministers can be bearers of the Christian hope that death is not the end but the doorway to eternal life,” paliwanag ng opisyal.

Umaasa ang obispo na isabuhay ng bawat isa ang mga halimbawa ng santo lalo sa sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na nababalot ng iba’t ibang uri ng salot.

“In a world where many feel abandoned in their sickness, St. Roque reminds us that presence, faith, and hope are the greatest gifts the Church can give,” ani arsobispo.

Si San Roque ay ipinanganak sa Pransya noong 1295 at inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may karamdaman lalo na ang mga biktima ng salot.

Pumanaw ang santo taong 1327 at kinilalang patron ng mga maysakit at dinadapuan ng salot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 4,962 total views

 4,962 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 26,237 total views

 26,237 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 199,955 total views

 199,955 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 221,890 total views

 221,890 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top