Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tulong ng China sa Pilipinas, pinagdududahan

SHARE THE TRUTH

 590 total views

Duda si Puerto Prinsesa Bishop Pedro Arigo sa 3.7-bilyong dolyar na poverty reduction funds na kaloob ng China sa Pilipinas.

Bagamat ikinatutuwa ni Bishop Arigo ang ulat, ikinababahala nito ang intensiyon ng China na makiisa sa 30-proyekto ng Pilipinas lalo’t anumang ibinibigay na tulong ng ibang estado ay tiyak na may malaki itong kapalit.

Nangangamba rin ang Obispo na mas malaki pa ang pakinabang ng China sa tulong na ipinagkaloob sa Pilipinas sa bandang huli.

“Definitely yung mga ganyang mga subsidy o anumang tinatanggap ng Pilipinas kalimitan ang mga iyan ay with exchange attach. Natutuwa tayo parang good news merong poverty alleviation funds pero ang magandang isipin ano ang kapalit niyan. Baka at the end we will be losing more than what we receive.”pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.

Tinukoy ng Obispo ang pagkamkam ng China sa ilang lupaing pagmamay –ari ng bansa at para pagtakpan ang usapin sa West Philippine Sea ay bubuhusan nito ng 3.7-bilyong dolyar na pondo ang pamahalaan ng Pilipinas.

“Kasi alam niyo, wala na tayong kalayaan sa Spratlys dahil knowing China they will not give up their claims. Kaya tulad ng sinabi ko noon inaagawan tayo ng property then at the same time bibigyan tayo ng poverty funds para manahimik na kayo.” Giit pa ni Bishop Arigo sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, sa huling poverty incidence na inilabas ng National Economic Development Authority, bumaba sa 21.6 percent o katumbas na lamang ito ng one – fifth sa kabuuang mahigit na 100 milyong populasyon ng bansa ang naghihirap.

Naunang iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo na kulang ang mga programa ng kasalukuyang pamahalaan para tugunan ang malubhang problema ng Pilipinas sa kahirapan.

See.. http://www.veritas846.ph/gobyerno-kulang-ang-focus-sa-paglaban-sa-kahirapan/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Epal no more

 4,868 total views

 4,868 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 28,394 total views

 28,394 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 46,121 total views

 46,121 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 123,263 total views

 123,263 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 144,169 total views

 144,169 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 163,769 total views

 163,769 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 270,035 total views

 270,035 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 295,850 total views

 295,850 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 298,751 total views

 298,751 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top