Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tuparin ang mga pangako

SHARE THE TRUTH

 388 total views

Dismayado ang CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa pahayag ng DOLE o Department of Labor and Employment na hindi na itutuloy ang pagtatayo ng ahensya o departamento na tutugon sa pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, hindi katanggap – tanggap ang dahilan ni Labor Sec. Silvestre Bello III na hindi makabubuti ang Department of OFWs na magtutulak lamang sa ating mga kababayan na mangibang bansa.

Iginiit ni Bishop Pabillo na taliwas ito sa naipangako noong eleksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang magiging dulungan ng mga OFWs upang makaiwas na sa red tape at delayed na proseso ng kanilang papeles mula sa mga magkakahiwalay na trasaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Inudyukan rin ni Bishop Pabillo ang administrasyong Duterte na manindigan sa mga binitawan nitong pangako dahil ito ang mga inaasahan ng halos 15 milyong OFWs sa buong mundo na magpapaginhawa ng kanilang kalagayan.

“Hindi naman totoo yung sa ganun. Kaya nga sila nagma – migrate dahil walang permanenteng trabaho rito na nagbibigay sa kanila ng kasiguraduhan pero kung meron naman ay maiiwan sila rito. Iyan ay pangako sa eleksyon palagay ko naman yung pangako ay dapat ipatupad. Kung hindi, iyan hindi pala mapapaniwalaan ang mga pangako ng mga pulitiko. Iyan ang problema magaling silang mangako pagdating sa katotohanan lulusawin ang pangako hindi dapat iyan, dapat iyan ay pinag – aaralan at yung pangako tuparin nila dahil binoto sila ng tao dahil sa pangako na iyan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas.

Nauna na ring naitala ng Center for Migrant Advocacy Philippines na aabot sa 5-libong mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw na kung susumahin ay tinatayang aabot sa kabuuang 1.8-milyong Pilipino kada taon ang lumalabas at nangingibang bansa upang maghanapbuhay.

Samantala, kinilala ng kanyang Kabanalan Francisco ang pagsasakripisyo ng mga OFWs kung saan batay sa ulat ng World Bank ’s Migration and Remittances Factbook 2016 ay ikatlo ang Pilipinas sa buong mundo na pinakamalaki ang natatanggap na remittances na umaabot sa $29.7 bilyon dolyar ngayong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,801 total views

 44,801 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,282 total views

 82,282 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,277 total views

 114,277 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,004 total views

 159,004 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,950 total views

 181,950 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,049 total views

 9,049 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,541 total views

 19,541 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 64,201 total views

 64,201 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 170,468 total views

 170,468 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 196,282 total views

 196,282 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 212,087 total views

 212,087 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top