VeritasPH

The Word, The Truth

Ugat ng lahat ng sakit ng lipunan

SHARE THE TRUTH

 189 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga pamilyar na kuwento sa Ebanghelyo ni San Marcos ang tungkol sa pagpansin ni Hesus sa pag-aalay ng pera sa templo ng mga Hudyo bilang kanilang handog sa Panginoon alinsunod sa kanilang batas. Napansin ni Hesus na ang mayayaman ay nagsipaghulog ng malalaking halaga, samantalang ang isang dukhang balo ay naghulog ng dalawang pirasong barya. Ang wika ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng babaeng iyon, bagamat siya’y dukha, ay ang buo niyang ikinabubuhay.”

Ang madalas na nakukuha nating aral sa kuwentong ito ay ang pagkabukas-palad ng dukhang biyuda. Subalit ang isang mahalagang aral na hindi gaanong nabibigyang-pansin ay kung gaano kalaki ang pagkagalit ng ating Panginoon sa mga pinuno ng templo. Bakit? Sapagkat sila ay nagkukunwaring banal at makadiyos, ngunit tinatanggap naman nila mula sa mga dukha ang mga alay na halos ikaubos ng kanilang ikinabubuhay.

 

We also would like to share with you ICSI’s Advent reflection guides. Hope you can share it with everyone at Veritas and with those who might be interested.

 

Sa ating lipunan ngayon, sinu-sino ang mga dukhang labis-labis ang pagbibigay mula sa kanilang karukhaan? At sinu-sino naman ang tumatanggap na nga ng hindi nila pinagpaguran, sila pa ang tinitingala ng mga tao?

Eleksyon nang muli, at maraming mga kandidatong nagpiprisintang maglingkod sa bayan. Marami sa kanila ay mapera, at dahil dito tinitingala ng mga botante kahit pa ang ilan sa kanila ay naiuugnay sa pagnanakaw sa kaban ng bayan at napatunayang hindi nagbabayad ng buwis.

Ang mga manggagawa, na siyang nakararami sa atin, ay maliliit ang kinikita. Sila ang mga magsasaka at mangingisdang nagpapakain sa atin. Sila ang mga tsuper, mga kargador, mga construction worker, janitor, security guard, guro, nars, manggagawa sa pabrika, nagtitinda sa palengke, at marami pa, na lahat ay may ambag sa pagpapapaunlad at pagpapagaan ng ating buhay.

Alam ba ninyong noong 2011, ang kayamanang angkin ng apatnapung pinakamayayamang Pilipino ay katumbas ng 76% ng gross domestic product o pambansang yaman ng Pilipinas? Noong 2016, ang ipon ng pinakamayayamang isang porsyento lamang ng ating populasyon ay katumbas ng 65% ng kabuuang ipon sa bansa. Samantala, ang ipon ng 99% ng mga Pilipino ay katumbas lamang ng 35% ng ipon sa buong bansa. Ganito kalaki ang agwat ng kinikita at naiipon ng mga mayayaman kumpara sa nakararaming mahirap sa ating bansa.

Paano kayang nagkaganito? Hindi kaya natin naiisip na ang mga may hawak ng mga pabrika, mga korporasyon, at malalaking negosyo ay maaaring hindi nagbibigay ng sapat na sahod sa kanilang mga manggagawa? At ang parehong malalaking mga negosyante at may-ari ng naglalakihang mga korporasyon sa bansa ay maaaring hindi nagbabayad ng wastong buwis na magagamit para sa ayuda at subsidiya para naman sa mga mahihirap? Kung minsan, ang buwis na nakokolekta, maliit na nga lang na bahagi ng dapat kolektahin, ay ninanakaw pa ng mga namumuno sa gobyerno. Ang gobyerno mismo, na siyang pinakamalaking taga-empleyo, ay maraming kontraktwal na mga manggagawang meron lamang job order o contract of service kaya mababa na ang sahod, wala pang mga benepisyo. Hindi nga ba dapat lang na magalit tayo sa ganitong kawalan ng hustisya, katulad ng pagkagalit ni Hesus sa mga mayayaman at opisyales sa templo na tumatanggap sa alay ng mga dukha?

Mga Kapanalig, maging ang ating Simbahan ay pinapaalala sa ating ang naglalakihang agwat sa yaman sa loob ng isang lipunan ay malaking iskandalo at sumisira sa dignidad ng tao at sa kapayapaan sa lipunan. Wika nga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium, ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay ang ugat ng lahat ng sakit ng lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,236 total views

 10,236 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,221 total views

 18,221 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,757 total views

 25,757 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,742 total views

 41,742 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,786 total views

 49,786 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 10,237 total views

 10,237 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 18,222 total views

 18,222 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,758 total views

 25,758 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,743 total views

 41,743 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,787 total views

 49,787 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,872 total views

 45,872 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,297 total views

 44,297 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,083 total views

 46,083 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,008 total views

 43,008 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,322 total views

 57,322 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,012 total views

 61,012 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,615 total views

 59,615 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,602 total views

 69,602 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,570 total views

 73,570 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,457 total views

 84,457 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top