14,628 total views
Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia.
Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly Synodality Around Ina.”
Layunin ng taunang pagtitipon ng mga pari ng Bicol region na sama-samang manalangin, magkatipon at higit na mapalalim ang pagkakapatiran ng mga lingkod ng Simbahan sa ilalim ng paggabay ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.
“Join us for the Union of Bicol Clergy (UBC), from September 17-19, 2024, under the unifying theme “Forging Bikol Priestly Synodality Around Ina.” This historic gathering will unite the eight ecclesiastical jurisdictions of our beloved Bicol region: the Archdiocese of Caceres, Diocese of Libmanan, Daet, Legazpi, Virac, Sorsogon, and Masbate, alongside the Military Ordinariate of the Philippines. Together, we will reflect on our shared mission, foster deeper connections among our clergy, and empower each other to serve our communities with renewed purpose.” pahayag ng Union of Bicol Clergy (UBC).
Sa loob ng nasabing tatlong araw ay gugunitain at ipagdiwang ng mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region ang kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia na itinuturing na “Reina del Bicol” o Queen of Bicolandia.
Bahagi rin ng tatlong araw na pagtitipon ang aktibong pakikilahok ng mga pari mula sa walong mga diyosesis sa mga larong pampaligsahan tulad ng basketball, lawn tennis at table tennis, kung saan inaasahan din ang pakikibahagi ng mga Obispo sa ilang gawain.
Kabilang sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region ang Arkidiyosesis ng Caceres at mga Diyosesis ng Libmanan, Daet, Legazpi, Virac, Sorsogon at Masbate, kabilang na rin ang Military Ordinariate of the Philippines.