Uusad pa kaya ang anti-political dynasty bill?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 115 total views

Mga Kapanalig, uusad pa kaya ang anti-political dynasty bill?

Kung pagbabatayan natin ang katatapos lang na survey ng Pulse Asia, malakas ang suporta ng publiko para sa isang batas na magbabawal sa mga magkakamag-anak na ibinoboto sa gobyerno. Nasa 64% ang nagsabing suportado nila ang pagpapasa ng anti-political dynasty bill. 

Base naman sa lugar, pinakamalakas ang suporta para sa anti-political dynasty bill dito sa Metro Manila, sa iba pang bahagi ng Luzon, at sa Visayas—69% sa NCR, 74% sa Balance Luzon, at 73% sa Visayas. Kapansin-pansin namang pinakamabababa ang bilang ng mga pabor sa naturang batas sa Mindanao—32% lang. 

Batay naman sa antas ng pamumuhay o socio-economic class, gusto ng mga masasabi nating nakaririwasa sa buhay o mga nasa class ABC na magkaroon na tayo ng batas kontra dinastiya; nasa 70% sa kanila. Sa class D, 66% naman. Pero mababa naman ang suporta para sa naturang batas mula sa mga mahihirap o class E; 36% lang sa kanila ang pabor. Marahil, ang kanilang pagdepende sa mga pulitikong magkakamag-anak—na maaaring nagbibigay sa kanila ng mga pabor gaya ng ayuda, trabaho, o anumang materyal na bagay—ay mas matimbang kaysa sa malawakan at malalim na pagbabago sa ating pulitika. 

Kahit sa mga naunang survey, marami na ang nagsasabing panahon nang magkaroon ng isang anti-political dynasty law. Pero sa kabila ng mga ito at serye ng mga konsultasyon, nanaig ang mga “malalabnaw” na panukalang batas. Isa nga rito ay ang ipinasá ng Committee on Suffrage ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kamakailan—ang bersyon na inihain ni House Speaker Bojie Dy and Majority Leader Sandro Marcos, kapwa mga miyembro ng political dynasties. 

Sa ilalim ng bersyong ito, binawasan man ang mga magkakamag-anak sa gobyerno, may pagkakataon pa rin silang magkaroon ng kontrol sa pulitika. Ipagbabawal ng panukalang batas na ang isang nakapuwestong pulitiko ay may kasabay na kamag-anak hanggang second degree of consanguinity or affinity. Pasók sa second degree of consanguinity ang mga magulang, anak, at kapatid. Kasama naman sa second degree of affinity ang mga biyenan, manugang, at bayaw o hipag. Siyempre, bawal din ang asawa na kabilang naman sa tinawatag na first degree of affinity

Pero pwede pa ring tumakbo ang pinsan, tito o tita, at mga pamangkin ng isang incumbent o nakaupong opisyal. Ang limitasyong itinatakda ng panukalang batas ay base lamang sa teritoryo at government level. Halimbawa, ang isang tumatakbo sa pambansang posisyon gaya ng senador ay bawal na may kasabay na asawa, magulang, kapatid, o anak na tumatakbo rin sa pagkasenador. Pero pwedeng ang gobernador ng isang probinsya ay ang tatay, mayor ng isang bayan sa parehong probinsya ang asawa, at konsehal naman ang anak sa parehong bayan. Parang wala rin namang pinagkaiba sa sitwasyon natin ngayon.

Kung sabagay, paano natin maaasahan ang mga nasa Kongreso na magpasa ng isang batas sa sila ang unang maaapektuhan? Kontra ang marami sa atin sa mga dinastiya, pero ang mga gagawa ng batas para mangyari ito ay ang mga taong pinatutungkulan nito. Kaya naman, may mga grupong nagsusulong ng anti-political dynasty bill sa pamamagitan ng people’s initiative; taumbayan mismo ang maghahain ng batas. Subaybayan natin ang itatakbo ng inisyatibong ito.

Mga Kapanalig, sa mga panlipunang turo ng Simbahan, malinaw na ang pulitika ay dapat na naglilingkod para sa dignidad at kabutihan ng mga tao, hindi para sa interes ng iilang pamilya. Salungat sa prinsipyong ito ang mga pamilyang kapit-tuko sa kapangyarihan. Matutunghayan nga natin sa Ezekiel 34:2-4 ang pagkundena ng Panginoon sa mga pastol (o mga lider) na pinakakain ang sarili imbes na ang kawan na nasa kanilang pangangalaga. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,515 total views

 7,515 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,520 total views

 35,520 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 53,320 total views

 53,320 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,017 total views

 53,017 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 165,127 total views

 165,127 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,516 total views

 7,516 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,521 total views

 35,521 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 53,321 total views

 53,321 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,018 total views

 53,018 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »
Scroll to Top