OFWs, hinimok ng Obispo na maging mahinahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total views

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino, Overseas Filipino Workers at Filipino Migrants na higit pang manalig sa Panginoon sa pagharap ng sambayanan sa mga suliranin sa ekonomiya dulot ng digmaan sa Middle East.

Ipinaalala ni Bishop Pabillo sa mga OFW na mahalagang maging mahinahon at manalig sa Diyos upang maipagpatuloy ang pagtataguyod sa pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas.

Pinayuhan ng Obispo ang mga OFW na huwag mawalan ng pag-asa dahil kahit kailan hindi magwawagi ang kasamaan sa kabutihan

“Una po, marami tayong mga OFW na nagkatrabaho sa Middle East, maapektuhan ang kanilang trabaho at ang kanilang pinadadala sa kanilang mga pamilya. Ito mismo sa atin, tumataas na ang presyo ng langis, at susunod na ’yan ang presyo ng mga bilihin, ihanda po natin ang ating sarili sa paglala nito. Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, kasi alam naman natin na hindi magwawagi ang kasamaan. Lilipas din ang problemang ito,”
ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng Obispo ang mga Pilipino na mamuhay ng payak at lalu pang payabungin ang pananampalataya sa Panginoon.

Tinitiyak ng Obispo na kailanman ay hindi pababayaan ng panginoon ang kanyang sambayanan laban sa anumang uri ng krisis.

“Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Kaya huwag pa tayong mawalan ng pag-asa, umasa tayo sa Kanya, na alam Niya ang nangyayari at may ginagawa Siya. Mas maging malalim sana ang ating pananampalataya, ang pananaligna rin ang ating lives. Baka may mga kailangan tayong baguhin, mga binibili natin, mga bagay na hindi naman natin kailangan. So baka rin, as simple as lives,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Sa datos ng Department of Migrant Workers, umaabot sa dalawang milyon ang bilang ng mga OFW na apektado at maaring nanganganib ang buhay sa Middle-East dahil sa pag-usbong ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,867 total views

 58,867 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,481 total views

 133,481 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,560 total views

 213,560 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,699 total views

 256,699 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,293 total views

 254,293 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top