218 total views
Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity matapos mawalan ng halaga ang arawang suweldo ng mga manggagawa dahil sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, dalawang bagay ang kanyang naging panawagan na magkaroon ng ‘prize freeze,’ sa presyo ng mga pangunahing bilihin at sa mga employer naman na gawing “living wage,” ang buwanang sahod ng kanilang mga empleyado.
“Pagko – control ng mga prized ng mga basic needs ng mga tao at yung pagtataas ng sahod ng mga manggagawa. Dapat na tumaas ang sahod ng mga manggagawa at tama na ang pagtaas ng mga bilihin o inflation at i-control din yung mga prizes ng mga basic needs ng mga tao,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas
Nabatid mula sa Trade Union Congress of the Philippines o TUCP mula noong Enero ay bumagsak na ang halaga ng ini-uuwing sahod ng mahigit sa 10-milyong manggagawang Pilipino.
Tinukoy ng TUCP ang datos ng National Wages and Productivity Commission na P116 ang nawalang halaga sa P481 na daily minimum wage sa Metro Manila o mahigit sa P3,000 kada buwan mula noong Enero dahil sa inflation.
Nauna na ring pinaalalanan ni Pope Francis sa mga business leader na kalapastanganan sa Diyos ang hindi pagbibigay ng sapat na pasahod sa mga manggagawa.