Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Via Lucis, isinagawa ng mga kabataan sa NYD 2019

SHARE THE TRUTH

 346 total views

Ipinagdiwang ng mga Katolikong Filipinong kabataan ang Buhay ng Panginoong Hesukristo sa ikatlong araw ng National Youth Day sa Cebu.

Sa unang bahagi, ginunita ng mga kabataan ang paghihirap ni Hesus patungo sa kalbaryo bilang pagbabalik tanaw kung paano napagtagumpayan ang kamatayan.

Agad naman itong sinundan ng pagsadula sa Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, mga pagninilay, pananalangin at mga awiting pagpupuri sa Diyos.

Ipinakikita rin dito ang mga trahedyang dumaan sa bansa na labis umaapekto sa mga Filipino subalit tulad nang Muling Pagkabuhay ni Hesus, bumangon ang mga biktima dala ang bagong pag-asa kaisa ang buong sambayanan.

Ang Via Lucis ay pagdiriwang sa Muling Pagkabuhay ni Hesus kung saan itinampok dito ang labing apat na kaganapan ni Hesus nang ito’y nabuhay at muling naglakbay kasama ang Kanyang mga alagad.

Bukod dito, nagkaroon din ng pagtalakay ang mga kabataan sa Youth Matters kung saan ipinaliwanag at hinamon ng mga panauhing tagapagsalita ang mahigit isanlibong kabataan sa International Eucharistic Congress Pavillion na maglingkod sa Simbahang Katolika at maging aktibong kasapi sa bawat komunidad na kinabibilangan.

Sa ikatlong araw ng National Youth Day 2019 ay ginanap ang mga gawain sa 9 na mga festival sites sa buong Arkidiyosesis ng Cebu.

Buong puso naman na nakikiisa ang mga kabataang delegado at nakikisalamuha sa kapwa delegado na mula sa ibang mga Diyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,460 total views

 47,460 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,548 total views

 63,548 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,938 total views

 100,938 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,889 total views

 111,889 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top