Hubugin sa pananampalatayang Kristiyano, misyon ng Simbahan sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,403 total reads

Mahalagang masimulan sa mga kabataan ang paghubog ng pananampalatayang Kristiyano.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Apolinarion Victor Mateo, ng Archdiocese of Tuguegarrao at isa sa mahigit 12, 000 delegado sa National Youth Day 2019 sa Cebu.

Ayon sa Pari, malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa Simbahang Katolika sapagkat ang kanilang sektor ang inaasahang magpapatuloy sa pagpapalaganap ng pananampalataya hanggang sa susunod na henerasyon.

“Habang bata, ang mga kabataan sila yung hindi mawawala sa lahat ng programa at sila rin yung malaking tinutulong lalong lalo na sa mga preparation ng mga activities at the same time yung mga programa sa mga kabataan para ipagpatuloy ng mga susunod na henerasyon yung pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano,” pahayag ni Fr. Mateo sa Radio Veritas.

Ikinatuwa ng Pari ang aktibong pakikiisa ng mga kabataan sa Simbahang Katolika dahil ito ay nagpapahayag din ng masiglang pananampalataya at pagkakabuklod bilang isang pamayanan.

Sinabi ng Pari na ang mga pagtitipon ng Simbahan na sumesentro sa kabataan ay malaking ambag upang higit pang hikayatin ang kanilang sektor na makilahok sa bawat programa na magpapatibay sa kanilang pananampalataya.

“Malaking bagay to na activity [NYD] para sa youth hindi lang dito sa Cebu kundi sa lahat lahat ng lugar ng Pilipinas lalong lalo na sa mga Simbahan,” saad ni Fr. Mateo.

Nauna nang sinabi ng Kan’yang Kabanalan Francisco na ang mga kabataan ang kasalukuyan ng ating Simbahan kaya’t mahalagang mahubog ito ayon sa kalooban ng Diyos.
Binigyang diin naman ni Fr. Mateo na habang bata ay nararapat na imulat ito sa katotohanan ng ating pananampalataya.

KAWANGGAWA SA KAPWA

Bilang Pari ng Simbahang Katolika na nagpapahalaga sa mga kabataan, itinayo ni Fr. Mateo ang GenPle (Generous People) Scholarship Foundation upang matulungan ang mga kapos palad na kabataan na makapag-aral.

Ipinaliwanag ni Fr. Mateo na ang ganitong konsepto ay upang magbalik handog sa tao dahil sa kabutihang loob ng mga taong tumulong sa kaniyang pag-aaral hanggang makatapos sa pagpapari.

Layunin ng Pari na matulungan ang kabataan na mahubog sa pamamagitan ng edukasyon.

Nagpapasalamat naman si Fr. Mateo sa mga taong bukas palad na tumulong sa kanyang adbokasiya na maabot ng kabataan ang minimithing tagumpay sa kabila ng nararanasang kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,179 total reads

 10,179 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,689 total reads

 49,689 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,989 total reads

 84,989 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,258 total reads

 311,258 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,022 total reads

 204,022 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top